Tin POV
NAGLALAKAD ako sa hallway habang inaayos ang clubroom namin. Malaking palaisipan pa rin sa akin ang nangyari sa clubroom namin. Sino naman kaya ang gagawa nun?
Habang naglalakad ako ay bigla ko namang nakita ang isang estudyante na nasa madilim na parte ng hallway. Nakahoodie siya at naka-cap. Sinubukan ko naman siyang tingnan pero nang makita niya naman ako ay bigla siyang humarurot papalayo.
Napaatras ako.. Bakit parang misteryoso ang taong yun?
Susundan ko pa sana ang taong yun pero nagulat ako nang tawagin ako ni Aly.
“Tin tin!!” Napangiti lang ako at kumaway kay Aly. Hinihingal naman siyang tumakbo papalapit sa akin.
“Magandang araw, Aly. Anong kailangan mo?” Nagulat ako nang may iabot na box of chocolates si Aly sa akin. Nang tingnan ko yun ay may icing yun na bumubuo ng pangalang Primo.
“Pinagpuyatan ko yan! Para yan kay Primo. Pero wag mo sabihing sa akin galing yan ha? Simula ngayon ang ilalagay ko na lang na 'from a secret admirer'! Para pa-mysterious! Oh diba!”
“Sige, mamaya ilalagay ko ‘to sa bag ni Ayo.” Pumalakpak naman si Aly tsaka ngumiti ng sobrang lawak.
“Thank you talaga, Tin! Sige, may kailangan pa akong ayusin eh. Aalis na ako,” Medyo tumakbo palayo si Aly pero maya maya ay tumigil siya at humarap ulit sa akin.
“Nga pala! Pinapasabi ni Pres, sobrang ganda mo daw today! Sagutin mo na daw siya! Ayiie!”
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Aly pero tumawa lang siya tsaka tumakbo na ulit. Tiningnan ko naman ang box na yun. Sobrang ganda ng pagkakaayos nito, halatang pinagbuhusan ng effort ni Aly ang paggawa dito. Sana lang ay ma-appreciate man lang ‘to ni Ayo.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Nakayakap lang ako sa box na yun. Hindi ko pa rin kasi malaman kung paano ko ilalagay to sa bag ni Ayo eh samantalang palaging nakadikit sa sarili niya ang bag niya.
Nandito kasi kami sa computer room para pansamantalang mag-room habang inaayos ang clubroom. Mabuti na lang at malamig din dito dahil naka-aircon.
Medyo tumitingin-tingin ako kay Ayo at nasa likod ang bag niya. Gash. Pano ko malalagay to?
Nako Alyssa, magpasalamat ka talaga at kaibigan kita. ε=(´o`)
Hinihintay ko lang ang cue na mag-lunch break na at hindi na muna ako lalabas para antabayanan ang paglabas ni Ayo.
12:25....
Sandali na lang...
“What’s wrong with you? Para kang pusang hindi matae.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Ayo. Maya maya ay medyo awkward akong tumawa.