Tin POV
MULA kagabi ay tinitingnan ko lang ang bulaklak na bigay ni Ayo. Hindi ko rin alam kung bakit ba parang napaka-halaga ng bulaklak na 'to? Samantalang sa bawat sulok naman ng school ay meron nito.
Naging tahimik lang ang dorm. Walang nag-iingay na medyo nakakapanibago. Ngayong araw kasi pinayagan kami na umuwi sa kanya-kanya naming bahay. Dahil wala naman akong uuwian ay nanatili na lang ako sa dorm.
Pagkatapos rin kasing lumabas ng results ng exams namin ay nag-iba si Han, Kaye at Kiel. Mukhang hindi nila nagustuhan ang naging resulta.
Nakatingin pa rin ako sa bulaklak na yun nang may narinig akong nagbukas ng pintuan. Lumabas naman ako para tingnan kung sino yun at nakita ko si Kiel na papasok.
"Uy Kiel nandito ka na pala, kamusta yung pag-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lagpasan lang ako ni Kiel at padabog na pumasok sa kwarto nila.
Nagtaka naman ako sa ikinilos ni Kiel. Kadalasan kasi ay siya pa ang unang bumabati sa akin kapag nagkikita kami tapos ngayon ay nilagpasan niya lang ako at mukhang hindi maganda ang mood niya.
Walang pang ilang minuto ay bigla naman akong nakarinig ng pagkabasag.
"Tin, pumasok ba dito si Kiel?!" Tanong ni Ayo. Nakita ko namang nandito na rin ang iba maliban kay Han.
"Ahh, oo. Kakarating niya lang halos kasabay niyo. Dumiretso siya sa kwarto-" Nagmadali namang tumakbo si Ayo at Ken papunta sa kwarto nila. Napatingin ako kay Kaye at mukhang hindi maganda ang mood niya.
Ano bang nangyayari?
"Kaye.." Napaupo si Kaye sa may sala habang tinatakpan ang tenga niya. Sunud-sunod kasing pagkakabasag ang naririnig ko na nanggagaling sa kwarto nila Kiel.
Nagsimula namang umiyak si Kaye.
Napatingin ako kay Shanen at mukhang nag-aalala rin siya. Patuloy pa rin ang mga tunog ng nababasag na gamit at kinakaba ko ay nang marinig ko ang pagsigaw ni Kiel.
"KIEL! OPEN THIS DOOR!" Sigaw ni Ken habang kinakalampag ang pintuan. Ganun rin si Ayo na walang habas ang pagkatok sa kwarto nila.