46

329 10 5
                                    

Tin POV

KINABUKASAN ay maaga akong pumunta sa clubroom para mag-review. Mahirap na, mahilig pa naman magbigay ng pop quiz si Sir Trent kaya dapat handa palagi.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may kakaibang pakiramdam naman ang bumalot sa akin. Para kasing lahat ng makasalubong ko sa daan ay masama ang tingin sa akin.

“Oh my gash, so totoo nga ang bali-balita tungkol sakanila?”

“Siguro, hindi naman basta basta nagpopost si Primo ng picture sa SNS di’ba?”

“Omo. Bagay sila!"

“Anong bagay? Mas bagay kami ni Primo. Tss.”

Malakas ang bulungan sa paligid kaya naman naririnig ko itong lahat. Ano naman kayang pinagtitsismisan nila?

Pagdating sa clubroom ay umupo lang ako sa pwesto ko tsaka nagbukas ng notes. May ilang terms dito na hindi pamilyar sa akin kaya minabuti kong hanapin yun sa internet.

Kinuha ko ang phone ko tyaka nag-browse.

Habang nagba-browse ako ay nagulat naman ako nang sunud-sunod na notification ang nagpop sa Facebook Account ko, which is very unusual dahil madalas ay wala namang notification sa fb ko.

Tiningnan ko ang notifs ko at laking gulat ko nang makita puro bad comments ang nandun. May ilang messages din sa akin na puro galing sa mga hindi ko kilala;

      Di kayo bagay ni Primo! Pwe!

      Yuck, I can't believe it. Pinatulan ka ni Primo? :P

     Matalino ka lang, pero mas maganda ako!!! >:----(

      Magkano gayuma, Teh? -_-

     Nilason mo ang utak ni Primo! Mangkukulam ka! >:(

And 1,567 other messages...

Napakunot ang noo ko. Ano bang nangyayari? Bakit ba nagkakaganito ang mga babaeng ‘to? Ano bang pakialam ko kay Primo at pati siya sangkot dito? Paki-explain please, labyu.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon