7

392 15 7
                                    


Tin POV

NATAPOS ang unang araw ng examinations namin. Mabuti na lang at nagreview ako at naging maganda ang results ng exams ko sa Reading comprehension.

Bukas naman ay Statistics and Basic Geometry ang exam namin.

Bumalik ako sa dorm namin para magreview na ulit.

Naglakad ako papunta sa kwarto namin at pagbukas ko ng pintuan ay nanlaki ang mata ko at nabitawan ko ang mga gamit ko nang makita si Ayo na nasa loob...

TOPLESS!

Mukha siyang bagong ligo dahil wet look pa siya at nakatapis lang ang ibabang bahagi ng katawan niya.

“AHHHHHHHHH!!!” Napatali ako habang tinatakpan ang mga mata ko. Napatigil lang ako ng hagisan ako ng unan ni Ayo.

“Tumigil ka! Ang sakit sa tenga, lintek.”

“Ano ba kasing ginagawa mo dito?!”

“Kumuha ako ng pabango. Gusto ko kasi yung mga pabango ni Kaye.” Bahagya naman itong napatingin sa may paanang bahagi ko.

Naglakad siya palapit kaya naman napaatras ako. Ngumisi naman ito tsaka may kinuha sa lapag.

“Ano ’to? Baby picture mo?” Sabi niya habang tinitingnan ang picture ko na nakaipit sa notebook ko.

“Ibalik mo yan sakin!” Akmang lalapitan ko na si Ayo nang dinuro niya ako.

“Diyan ka lang. Bawal kang lumapit.” Inilabas niya ang phone niya saka pinicturan ang baby picture ko. “Ayan, saved.”

“Ano ba! Bakit mo pinicturan!”

“Ipopost ko sa SNS.”

IPOPOST?! HINDI PWEDE! BUNGI PA AKO DUN SA PICTURE NA YUN NAKAKAHIYA!

“Ipopost?! Bakit mo ipopost!! H’wag mong ipost!!”

Ngumisi lang si Ayo atsaka ako tiningnan. Napaiwas naman ako ng tingin. Argh kainis na abs yan nakakadistract!

“Bakit naman kita susundin?”

NAKAKAIYAK! Hindi niya pwedeng ipost yun! Wala akong ngipin talaga dun! Sobrang kahihiyan ang aabutin ko kapag pinost niya yun! Baka wala na akong mukhang maiharap sa sambayanang Pilipino!

“Please naman h’wag mo na i-post please. Gagawin ko kahit ano h’wag mo lang ipost!”

Napahinto sa pagpindot sa cellphone niya si Ayo tsaka napatingin sa akin.

“Anything?” Napalunok ako. Kailangan kong gawin ’to para sa kawawa kong katauhan. Kung gusto ko pa ng disenteng buhay.

“Oo, k-kahit ano.”

“Then be my slave for the rest of the day.”

Nanlaki ang mata ko. Ano daw? Slave? Slave? Slave? HALA.

Napatakip ako sa katawan ko.

“B-bata pa ako...” Binato naman ulit ako ng unan ni Ayo.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon