Tin POV
BAHAGYA kong dinilat ang mga mata ko. Medyo masakit ang kaliwang bahagi ng ulo ko kaya naman hindi ako kaagad nakabangon.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa infirmary pala ako.
Bigla ko namang naalala yung nangyari bago ako mapunta dito..
Si.. Ayo!
Napaupo ako tsaka ako napalingon sa gilid ko. Nakita kong nakahiga si Ayo at wala ring malay.
Hinawakan ko ang ulo ko at may benda pala yun kaya masakit.
"Gising ka na pala Ms. Montecillo." Sabi sa akin ng nurse. "Nawalan ka ng malay nang may heavy object na tumama sa ulo mo, but you are fine now. Mabuti na lang at nadala ka kaagad ni Primo dito."
"P-po?"
"Nakita ko kayo sa labas habang buhat ka ni Primo at nang kuhanin kita mula sakanya ay siya naman ang nawalan ng malay. But he is fine now."
Nabigla ako sa sinabi ng nurse. Kaagad akong napatingin kay Ayo habang wala pa rin siyang malay. Paano niya ako nagawang buhatin eh di'ba may phobia siya sa physical contact? Pero kaya ba siya nawalan ng malay dahil binuhat niya ako papunta dito?
Lumapit ako kay Ayo.
"Anong ginawa mo? Bakit moko dinala dito? Tingnan mong nangyari sa'yo! Grabe ha? Bakit mo ginawa yon tingnan mo tuloy yang sarili mo! Nakakainis ka!" Hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak talaga ako kapag naiisip ko kung paano niya nagawang dalhin ako sa infirmary habang buhat niya. Alam kong napakahirap para sakanya yun pero ginawa pa rin niya. "Ano ka ba, Ayo! Nakakainis ka!"
"Wag iyak. Baka matuluan moko ng sipon mo. Kadiri ka." Napatigil akong umiyak nang makita kong gising na pala si Ayo.
"K-KANINA KA PA G-GISING?!"
"Yeah, before you even wake up." Umayos ng upo si Ayo tsaka ako nginisian habang ginugulo ang buhok niya.
Kumuha naman ako ng unan tsaka siya pinalo. "BWISIT KA! BWISIT!"
"Aray ko! Ouch! Stupid poste what are you doing-aray! Tumigil ka!-Yan ang natututunan mo sa pagsama mo kay Kaye-Ouch!"