24

349 20 19
                                    

Tin POV

FRIDAY. PERFORMANCE DAY.

1: 00 pm.

3 o ‘clock ang oras ng performance namin ni Ayo pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na kahit ano sakanya. Pagkagising ko kanina sa dorm ay wala siya dun. Tinetext ko siya at tinatawagan pero wala akong naririnig mula sakanya. Sa isang daang text ko, kahit isa walang reply.

Nasa back stage ako habang hawak ko pa rin ang phone ko. Mag-start na rin ang performances ng iba.

Nakita ko si Kaye, Shanen, Misty, Cassi, Hannah at Aly. Sila na kasi ang sunod na magpeperform sa stage.

“Okay ka lang, Tin?” Tanong ni Cassi. Tumango lang ako sakanya.

“H’wag kang kabahan, Tin. Kaya mo yan.” Sabi naman ni Aly. Nginitian ko lang sila.

“Okay lang ako. Galingan niyo sa performance niyo. Good luck!”

Natapos ang nagpeperform sa stage kaya naman sumalang na sila. Sinilip ko sila habang nagpeperform sila at kahit papano ay nabawasan ang kaba ko dahil nakita kong ang ganda ng pagkakaperform nila.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

2:00 PM.

Patuloy ang pagpeperform ng iba’t ibang groups. May ilang sing and dance, may iba sing lang, at yung iba dance lang.

Tiningnan ko ang phone ko at nagbakasakali na baka nagreply si Ayo pero nabigo ako. Wala talaga.

Sinubukan ko naman siyang tawagan.

The subscriber cannot be reached, please try again later..

Nakailang ulit pa ako pero wala pa rin. Puro ganyan lang ang sumasagot sa akin.

“Tin, h’wag kang malikot. Masisira ang make-up mo.”

“Kaye, hindi pa rin kasi nagpaparamdam si Ayo. Malapit na kaming magperform.” Inayos ni Kaye ang foundation ko.

“I’m sure he’ll come, just be patient.” Bumukas ang pintuan at napangiti ako pero nawala rin yun dahil hindi si Ayo yun, kundi si Kiel.

“Ready, Tin?” Bahagya akong umiling.

“Wala pa kasi si Primo. Samantalang malapit na sila magperform. OMG. Paano nalang kapag hindi nakapunta yun? Edi solo flight lang ‘tong si Tin? OMG TALAGA.” Sabi ni Kaye. Kinuha ni Kiel ang phone niya tsaka dinial ang number ni Ayo.

“Cannot be reached.”

“Ano na bang nangyari don? Kawawa naman si Tin oh! In a short while, sila na ang isasalang sa stage. Baka may nasabi sayo si Primo kanina bago siya umalis?”

“Wala. Wala siyang sinabi sa akin. Di ko rin alam kasi pagkagising ko, wala na siya.”

Mas lalo akong pinanghinaan ng loob. The clock is ticking, 2:30 na. Malapit na mag-3 pero there is still no trace of Ayo.

Patuloy pa rin ang pag-andar ng oras pero hanggang ngayon wala pa rin si Ayo.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon