Tin POV
Nagising ako na sobrang pinag-papawisan. Bahagya akong napagalaw at naalala ko naman ang ginawa ko. Nakabalot nga pala ako sa kumot dahil ako ang naging ‘substitute pillow’ ni Ayo kagabi.
Tinanggal ko na ang pagkakabalot ko at huminga ako ng malalim, pagkatingin ko sa tabi ko ay muntik na akong mahulog sa kama nang makita ko si Ayo.
“Oh bakit? Para kang nakakita ng multo.” Sabi ni Ayo sa akin.
Gwapo mo namang multo.
Napapitlag ako sa naisip ko. Hala? Kung anu-ano nanamang iniisip ko! Waah, erase erase Tin!
“Nababaliw ka na ba?” Tanong ni Ayo sa akin. Saka lang ako nagbalik sa katinuan nang magsalita ulit si Ayo kaya naman nagmadali akong pumunta sa banyo dahil hindi pa ako nagtu-toothbrush at malamang ang dami kong muta muta sa mata.
Pagpasok ko sa banyo ay tsaka ko lang narealize na wala nga pala ako sa dorm. Wala akong toothbrush kaya naman kahit nahihiya ay naglakad ako papunta sa pinto ng CR para humingi ng spare toothbrush pero laking gulat ko nang makita si Ayo na nandito na sa loob.
“Hindi ka ba marunong kumatok?!” Singhal ko. “Papatayin mo yata ako sa gulat eh!”
Hindi naman ako pinansin ni Ayo at nagtuloy-tuloy sa sink tsaka kumuha ng bagong toothbrush at binigay sakanya.
“Why would I bother? This is my condo anyway.” Nagsimulang mag-toothbrush si Ayo habang ako ay napatitig lang sakanya. Bakit ba ganito ang itsura nito? Diba kapag kakagising lang dapat hindi maayos ang itsura? Eh bakit itong lalaki sa tabi ko parang may dadaluhang photoshoot?
Pagkatapos mag-toothbrush ni Ayo ay naghilamos ito, mas lalo tuloy umaliwalas ang mukha niya.
“Kanina mo pa ako tinititigan. Kung may balak kang masama sa akin, wag mo ng ituloy kasi baka mag-back fire lang sayo yun.”
“H-ha? A-ah, ang tagal mo kasi!” Ngumisi lang si Ayo tsaka binasa na rin ang buhok nito atsaka nagpunas sa tuwalyang nakasabit sa balikat ko. Mas lalo tuloy akong nanigas dahil sobrang lapit niya sa akin!!
“Tss. Minamaligno ka yata.” Sabi ni Ayo tsaka lumabas ng CR. Kaagad akong huminga ng maluwag.