Tin POV
"Mikay?"
Napatahimik ang lahat nang bumaba ang isang babaeng maputi at mahaba ang buhok. Nakangiti lang itong naglakad palapit kay Kiel atsaka hinawakan ang dalawang pisngi nito. Binitawan rin ni Kiel ang pagkakahawak niya sa kamay ni Kaye.
"Tin, mabuti pa siguro umalis na muna tayo." Sabi ni Shanen sa akin pero hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa babaeng tinawag ni Kiel na Mikay.
Maya maya ay napansin kong hinalikan ni Mikay si Kiel sa labi na kinagulat naming lahat.
"I missed you, Kiel." Sabi pa ni Mikay saka niyakap si Kiel. Tahimik lang si Kiel habang hinahayaang yakapin siya ni Mikay.
Maya maya ay bumaling naman ang tingin ni Mikay kay Kaye na kasalukuyang masama ang tingin sakanya.
"What? Bakit naman ganyan mo ako tingnan? Is this how you treat an old friend?" Old friend?
Sino ba talaga ang babaeng 'to?
"Kaye!" Nagulat kami ni Shanen nang tumakbo papalayo si Kaye. Sinundan naman namin siya ni Shanen hanggang sa mapadpad kami sa likod ng campus.
Nakita namin si Kaye na nakaupo sa may gilid. Nilapitan namin siya pero sumenyas lang siya na lumayo kami. Lalapitan ko pa rin sana siya pero hinila na ako ni Shanen papalayo.
“Let’s leave her alone first.”
Ngayon ko lang nakitang ganun ang itsura ni Kaye at sobrang nag-aalala ako para sakanya.
"Okay lang kaya si Kaye?" Tanong ko kay Shanen ng makarating kami sa may locker room.
"Hindi ko rin alam, Tin." Sagot naman ni Shanen.
Alam kong hindi na dapat ako manghimasok sa buhay ng iba pero hindi ko maiwasang ma-curious dahil sa mga ipinakita nila kaninang reaksyon.
"Shanen.. Sino ba yung babae kanina? Bakit parang hindi sila masayang makita siya?" Saglit na tumahimik si Shanen tsaka isinarado ang locker niya.
"Mycah Del Valle, mas kilala bilang si Mikay. Ang prinsesa ng angkan ng mga Del Valle. Isa sa pinakamayamang angkan dito sa Pilipinas. Kababata niya sila Kaye at Kiel. Siya rin ang pinaka-unang girlfriend ni Kiel."
"Kung ganun, talagang matagal na pala silang magkaka-kilala." Hindi na ako umimik nang mahagip ng mga mata ko si Kaye na naglalakad sa hallway. Nakayuko lang siya kaya naman nilapitan ko siya.
“Kaye ayos ka lang—”
“Hindi ako okay. I’m not even close to being okay.” Napansin kong nanginig ang magkabilang balikat ni Kaye at maya maya ay yumakap siya bigla sa akin.
“I don’t know why it hurts so much.” Humihikbi lang si Kaye habang sinasabi sa akin yun. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paanong pagpapakalma ang gagawin ko kay Kaye dahil wala naman akong alam pero sa nakikita ko, mukhang malaking problema nga ito.