Tin POV
ANG SAKIT NG ULO KO.
"O TO THE M TO THE GEEE!"
"Bakit nandito si Primo sa kwarto?"
"OMG. I don't know. OMG pero look, Primo looks so harmless!"
Napadilat ako nang may narinig akong nagsasalita. Pagkita ko ay si Kaye yun at Shanen. Tiningnan ko ang oras at 10 PM na rin pala.
Napatingin ako sa kama ko at nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Ayo na natutulog habang nakayukyok sa tabi ko.
Anong ginagawa ni Ayo dito?
"Gising ka na pala." Sabi ni Ayo tsaka umayos ng tayo at nag inat.
Tiningnan niya ako. "Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Ba-bakit?"
"Tss! Nevermind." Lumabas si Ayo sa kwarto namin. Habang ako hindi ko pa rin magets ang gusto niyang marinig sa akin.
"OMG. Ano bang nangyari kanina?" Tanong ni Kaye sa akin.
Napasuklay naman ako sa buhok ko. Ano bang nangyari? Hindi ko matandaan ang iba pero naalala ko lang ay nakita ko si Ayo na pumasok sa kwarto namin at..
"Naalala ko na! Nakita ko si Ayo na pumasok sa kwarto natin at inalagaan niya ako." Nagflashback sa isip ko ang lahat nang nangyari mula sa pagpasok ni Ayo hanggang sa lahat ng pag-aalaga niya sa akin.
Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Ayo!
"Ahh! You need to make thank you to Primo!! Go na, Tin. Make sunod na kay Primo. Go!"
"Oo nga Tin. Mag-thank you ka na kay Primo. Yun yata yung gusto niyang marinig sayo."
Napabuntong-hininga naman ako. Bakit ba ngayon ko lang naalala?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Nakatayo ako sa labas ng kwarto nila Ayo. Saka ko lang narealize..
Hindi ko alam ang sasabihin sakanya! Nakakahiya kung makikipag-usap ako ng hindi man lang prepared sa sasabihin o ano! Nako naman oh!
Makapagpractice nga.
"Uhm, Ayo, yung kanina, salamat." Aish pangit!!
"Sorry kung di ko naalala kaagad, salamat.." Psh! Panget din!
"Gusto ko sanang mag thank you dun sa kanina. Wag kang mag-alala, susuklian ko yun. Sabihin mo lang-" Nagulat ako ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Ayo na nakatingin siya sa akin habang nakangisi.
"Talaga? Susuklian mo?" Hala. Nakikinig pala siya!
"A-ah, oo! Kahit ano!" Bakit sinabi kong kahit ano? Baka mamaya patalunin ako sa building nito eh!
Nakangising tumingin sa akin si Ayo atsaka naman ako biglang kinilabutan.
"Sa sabado, get ready at 10 AM. May pupuntahan tayo."