Han POV
“Hello Han? Pakitapos na yung book report natin, scheduled na yun bukas.”
“Yeah, I’m on my way to the library.” Sabi ko kay Shanen. Mayroon kasi kaming written report na kailangang tapusin at by partner yun. Si Shanen ang partner ko.
“Okay! Kailangan mo ba ng tulong? Pupunta ako diyan.”
“No need, kaya kong gawin yun ng mag-isa.”
“Okay. Tawagan mo ko pag kailangan moko okay, Han?”
“Okay—Ouch!” Napatingin ako sa harapan ko at may nakita akong malaking lalaking nakaharang sa dinadaanan ko.
“Ikaw ba si Han Nishizawa?”
“Who are you?” Tanong ko sakanya. Lalagpasan ko na sana yung lalaki ng bigla niya akong hawakan at hatakin. “Hey! Let me go!” Nagpupumiglas ako sa lalaki pero masyadong mahigpit ang hawak niya.
“Hello Han?! Anong problema?!”
“Shanen! Tulong! May humahatak sa akin! Ano ba! Let me go! Tulong! Tulong— mmmm!” Nabitawan ko ang gamit ko pati ang phone ko ng takpan nung lalaki ang bibig ko. Biglang bumigat ang talukap ng mata ko. No! Wag kang matutulog Han! No! Ugh! Wag.. Wag.. Wa..
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Ken POV
Nakaupo lang ako sa sala sa dorm, kasama si Ayo at Kiel. Lately, something's bugging me and I don't know how to fix it.
Phone ringing🎶
Napadampot ako sa phone ko ng biglang nagring. Nagflash sa screen ang isang unregistered number. Full of doubts, I answered the call.
“Sino to?”
“Kamusta na, Ken?” Narinig ko mula sa kabilang linya. I stood up when I heard who was it. Kahit na boses lang ang naririnig ko, alam ko kung sino ‘to.
“What do you want?” Bored na tanong ko. “I already told you, I'm quitting—”
“Gusto ko lang malaman mo na nasa akin ang girlfriend mo.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
“Girlfriend?” Sabi ko habang napapailing-iling. “What are you talking about?”
“Nasa amin ang girlfriend mo. I told you Ken. You can’t just quit. You made an oath, with us.”
“Stop this nonsense, I know this is a trap, you want me to go there and rescue whoever that is and make me stay with you again. Well I’m sorry that will never happen.” Kung sino man yung nadampot niya, kawawa naman siya. I don’t have a girlfriend and I know that this is just a scheme.