8

411 14 4
                                    

Tin POV

GABI na ulit at syempre, puspusan ang pagrereview naming lahat para sa exams sa Statistics at Basic Geometry bukas. Nang lumalim na ang gabi ay natulog na rin si Kaye at Shanen kaya ako na lang ang gising ngayon.

Habang nagrereview naman ako ay bumukas ang pintuan ng kwarto.

“Hoy, Tin.” Napalingon ako at nakita ko si Ayo na nakasandal sa may upuan.

“Ano nanamang kailangan mo?”

“Ipagluto mo ’ko.” Napatingin ako kay Ayo at tumingin sa orasan.

“Seryoso ka ba? 11 na ng gabi. Tsaka nagrereview ako.”

Inilabas ni Ayo ang phone niya at pinagpi-pipindot yun.

“Caption: Tin Montecillo, the newest member of Blue Stars’ baby picture.” Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin kay Ayo. Nakangiti lang siya.

“Bilisan mo na, nagugutom na ako. Gusto ko ng carbonara.”

Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Pagkatapos ay sinamaan ko lang ng tingin si Ayo tsaka ako nagpatuloy sa pagpunta sa kusina.

Unang beses kong gagamitin ang kusina dito dahil madalas ay take-out lang ang kinakain namin.

Binuksan ko ang refrigerator at tiningnan ang mga pwede kong gamiting ingredients.

Sa totoo lang ay hindi talaga ako sanay magluto. Minsan nga kahit piniritong itlog ay nasusunog ko pa. Siguro hindi ko lang talaga forte ang pagluluto.

Pinakuluan ko ang pasta nakalagay sa Cook book ay hintayin ang five minutes bago ihalo sa ibang ingredients.

Umupo muna ako sa sala at napatingin ako sa mga magazines. Nakita ko ang isang magazine na punung-puno ng magagandang gowns. Uwaa! Ang gaganda ng gowns! *o*

Ang ganda...........

Ang.........

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"TIN!!" Napabalikwas ako ng may sumigaw. Nakatulog pala ako. Teka, ano 'yung umaamoy? Amoy sunog.. Sunog.. SUNOG?!

UWAA! YUNG NILULUTO KO!!

"WAAA! SUNOG! SUNOG!"

Tumakbo ako papuntang kusina at nakita ko si Ayo na may hawak ng fire estinguisher. Nasunog yung niluluto ko! TT____TT

"LINTEK TIN! MAGLULUTO KA TAPOS MATUTULOG KA?! BALAK MO BANG MAGPA-CRIMATE NG BUHAY HA?! LINTEK TALAGA!" Mukhang nagpanic si Ayo. Eh kasi naman, masyado akong pagod ngayon, kasalanan niya rin naman kasi. Hays.

"From now on, WAG NA WAG KA NG GAGAMIT NG STOVE O KAHIT ANO! In short, WAG KA NG MAGLULUTO! Baka matuluyan mo 'tong dorm na 'to!"

"Ayo, pano 'yung kakainin mo? Magluluto nalang ulit-"

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon