42

322 7 4
                                    

Tin POV

PAGKATAPOS ng Brain Offs ay bumalik na rin ang lahat sa dati. Nakabalik na rin kami sa dati naming clubroom dahil naayos na ito at nabalik na sa dati.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Aly na patakbong lumalapit sa akin.

"Tin! Good morning! Alam mo na ha?" Sabi ni Aly sabay suksok ng isang box ng cupcakes sa bag ko. Tumango naman ako.

Ilang linggo rin kasing ganito ang pinapagawa sa akin ni Aly. Magbibigay siya ng goodies at iniuutos sa akin na ilagay sa bag ni Ayo. Kung minsan ay chocolates, bag of candies, cupcakes at kung anu-ano pa. Hindi rin naman ako makatanggi kay Aly.

Minsan ay nagsusulat rin si Aly ng mga inspirational quotes sa sticky notes tsaka idinidikit sa locker ni Ayo. Kung minsan ay may reply si Ayo, minsan naman ay wala.

"Malapit na ang susunod na exams. Mag-iisip na ako ng magandang motivation para kay Primo." Nakangiting sabi ni Aly. Bahagya lang naman akong ngumiti. "Oh sige, kita nalang tayo mamaya, may gagawin pa kasi ako eh. Ba-bye!"

"Sige, bye." Kinawayan ko lang si Aly hanggang sa nakaalis na siya. Dumiretso naman kaagad ako sa clubroom, sigurado naman akong wala si Ayo ngayon dun dahil P.E. class ang susunod na klase namin at for sure, nagbibihis yun.

NANG malagay ko na ang cupcakes sa bag ni Ayo ay nagpalit na rin ako ng pang-P.E ko.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Kaye's POV

I am holding my phone. I am waiting for the dean's call because she said that there will be a meeting for us but until now, wala paring call or kahit text si dean.

I decided to go to the cafeteria to have breakfast. Hindi pa kasi ako nakakapag-almusal sa kakamadali yun pala eh, wala pa atang meeting.

“One coffee please with extra creamer and sugar.” Kaagad namang sumunod ang tindera. I was about to pay for it until someone spoke beside me.

“One coffee with creamer and extra sugar please.” Napalingon naman ako sa gilid ko. Kamukha ang inorder ko. When I looked at it, it was Mikay who was smiling at me.

I just ignored her and ordered another meal.

“Uhm miss, I also want a strawberry cheesecake together with my coffee.” Dagdag kong sabi sa tindera.

“Isang strawberry cheesecake nga po together with my coffee.” Tumingin ulit ako kay Mikay and she is smirking at me.

What the hell? What is she trying to do?!

“One lasagna too miss.” Dagdag ko pa.

“Isa rin pong lasagna.” Sabi naman ni Mikay.

SHE IS GETTING INTO MY NERVES!! So irritating!

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon