Alison
Nasa loob na ako ng bahay ni Gray, waiting for her to come down.
"Hija, eto kumain ka muna" then nay Mel, nanny of Gray placed a cup of mango juice and pancake in the center table.
"Salamat po"
The expensive couch move as nay Mel sat beside me.
"Pasensya ka na hija mukhang matatagalan sa pagligo ang alaga ko, nahihirapan pa kasi siya sa pagtanggal ng sling sa braso niya"
"Ok lang po masyado naman po kasi akong maaga eh, tsaka sorry po dahil kasi sakin nabalian si Gray" paghingi ko ng paumanhin, hanggang ngayon kasi nagiguilty pa rin ako.
"Mas mabuti pa ngang nalaman kong nagulat mo lang siya at nagkaganun, kesa naman nakipagsuntukan nanaman" napakabaliw talaga ng Gray na yun, hindi niya ba alam na may nagaalala sa kanya?
Naawa naman ako kay nay Mel, may edad na rin siya at kita ko ang pangamba sa kanya, ngumiti nalang ako.
After 5 or about 7 minutes I heard footsteps coming from the stairs, it's the mischievous Gray.
"Good morning short girl" she greeted and tossed her bag at me.
"I'm not short k? You're just taller"
"You are short"
"Gray... wag mo nang asarin si Alison, para ka nanamang bata eh" singit ni nay Mel at nagmake face naman siya, naku! Napipikon nanaman ako sa kanya.
Minutes passed and nagparked na'ko ng sasakyan sa school's parking lot, we both got out of my car and started to walk.
Nauuna maglakad si Gray kaya malaya ko lang siyang napagmamasdan, kahit t-shirt lang hapit na hapit talaga yung katawan niya, i lowered my gaze to her lower back and... wow nice butt.
"Done checking me out?" She said when she turned to face me, I flushed red knowing that she caught me looking at her butt.
"Shut up!" I just said then roll my eyes, mahirap ng macorner.
"Whatever... perv" she mumbled, ang sarap talagang dagdagan ng bali niya.
I sat on my chair and get my notebook, may quiz daw ngayon eh.
Si Gray naman ay humilig sa balikat ko, ewan kung anong pakiramdam niya, hindi naman ako mataba para gawin niyang unan.
"Gray naano ka?"
"Inaantok ako eh"
Hinayaan ko nalang siya sa pwesto niya sa balikat ko at nagtuloy lang magbasa pero naiilang naman ako sa mga tingin ng ibang kaklase namin, lalo na yung mga papasok at lalabas ng room, hindi maiwasang tingnan kami.
Ilang minuto lang ay pumasok narin si Ma'am kaya umayos na kami.
"So class bago ko kayo iwan dahil may agarang meeting kami ay may announcement muna ako" sabi ni ma'am at pumunta sa gitna ng classroom.
Kami namang mga students niya ay tahimik lang, syempre nag-aantay ng susunod niyang sasabihin.
"Dahil may hawak akong mga architecture students at mga civil engineering naman kayo... yung magiging project niyo sakin ay gagawaan niyo yung plan nila ng miniature"
What the?.... ang hirap nun! Ayaw ko magsukat at magcut ng tiles na malambot!
"I know mahirap yun kaya by pair ang mangyayare at 2 months from now ang deadline. So choose your partner na tingin niyo ay magiging komportable kayong kasama for this one"
BINABASA MO ANG
My Skater Girl (GxG)
Teen Fiction"I don't know If she would stay or just skate into my life" Alison Reyes- A good girl and independent daughter of the famous lawyer in town. 'Bff goals, boyfriend goals and body goals' she have all of that, that's why she keeps her name neat and cle...