Alison
Maaga akong pumasok ngayon, ewan ko rin kung bakit.
Bored lang siguro ako.
Naisip kong tumambay nalang muna sa canteen, gusto ko uminom ng milkshake.
After kong mag-order ay naupo ako sa pinakadulo, sa walang masyadong tao para walang istorbo.
Ilang minutes ko ring tiningnan yung milkshake ko bago ako uminom, naaalala ko lang na dati dalawa kaming umiinom nito, kung hindi ko libre, siya naman ang magbabayad.
Haaay... gagong yun, pafall masyado.
Ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap pero lagi ko naman siyang nahuhuling nakatingin sakin, di man lang siya magpasimple lang, bulgaran talaga yung pagtitig niya.
Nakakalahati ko na yung milkshake ko ng mapatingin naman ako sa isang table.
Nandito rin pala sila. It's Gray and Francia, di naman sila nag-uusap masyado pero alam kong may gusto talaga si Fra kay Gray, ang lagkit ng tingin eh. Ano nalang kaya ang sasabihin niya sakin kapag nalaman niya yung nangyari sa bar?
I just shrugged my thought, kasalanan ko rin naman eh.
Ilang minutes din ay umalis na ako sa canteen using the other door and head to my class.
Pagkapasok ko sa room ay naupo agad ako sa assigned chair namin, waiting for her... pero joke lang yun.
Habang naghihintay sa kan-este sa prof namin ay nagbasa muna ako ng notes namin, baka may surprise quiz kasi.
Naramdaman kong umuga yung upuan, kung dati ay nangungulit siya kapag dumating ngayon hindi na.
Awkward kasi.
Nag-good morning lang sakin si Fra pagkatapos ay naupo na sa likod.
Dumating na rin yung prof at tama nga ako nagpaquiz siya, pero ang matindi naman ay by pair. Susko! Sayang yung pag-iwas ko sa kanya ng ilang araw!
Ako na yung naglabas ng papel na susulatan namin dahil sakin rin naman siya nanghihingi lagi eh.
"Ako na lang sa even numbers" lakas loob kong sabi, ghaaad... feeling ko nanginginig ako!
"Sige" pagpayag niya, 10 items lang naman yung sasagutan kaya madali lang.
Nagstart na kaming gumawa ng computation sa notebook namin kaya medyo nawala yung tambol sa puso ko. Namiss ko yung boses niya.
Pansin kong tapos na siya and I'm having trouble with one item naman, kainis di ko makuha!
After ilang seconds ay binigay niya na sakin yung paper niya, ako naman lagi tagasulat saming dalawa eh. Tamad niya kasi.
"Uhm... Gray, hindi ko makuha eh" sabi ko sabay tingin sa kanya, nakatingin lang rin siya sakin. Di lang basta tingin kundi titig talaga, haaayst! Eto nanaman siya.
"Tapos?" Pilosopong tanong niya.
"Sa-sagutan m-mo" nahihiya kong sabi.
"Kaya mo na yan" para naman akong maiiyak sa sinabi niya, hindi naman kasi magaling sa math eh. Hayop na'to.
Tinry ko nalang uli sagutan yung item pero error pa rin, dapat kasi whole number yung lalabas eh, kaya lang may decimal naman.
"Akin na nga" she said and kinuha yung notebook ko, ako naman ay sinulat na yung mga nasagutan na namin sa papel.
After ilang minutes ay binigay na niya sakin yung notebook ko, edi siya na magaling.
Pagkatapos lahat ng klase sa umaga ay naglakad na ako mag-isa, wala naman kasi akong kasabay kumain ngayon. Sila Ayah at Red ay may sariling lakad dahil monthsary nila at syempre iba rin ang kasama ni Gray at saka awkward kami ngayon.
BINABASA MO ANG
My Skater Girl (GxG)
Teen Fiction"I don't know If she would stay or just skate into my life" Alison Reyes- A good girl and independent daughter of the famous lawyer in town. 'Bff goals, boyfriend goals and body goals' she have all of that, that's why she keeps her name neat and cle...