Skate-37

7.3K 245 87
                                    

Alison

"Aray naman, dahan dahan!"

"Stop complaining Gray"

"How can I, oh fuck it Ali, ayaw ko na!" She keeps ranting, even though it's not hurt that much.

"Kasalanan ko?"

"Hindi, tama na kasi" daing niya pa at parang naluluha na.

"Uso kasi mag-ingat" I can't help but to roll my eyes every time I see her puffing air on her wound.

"Last two days mo na nga lang dito sa bahay inaaway mo pa ako"

"Tell me madalas ka bang nagkakasugat kapag nagbabasketball kayo?"

"Di ah, kanina lang"

Hindi ko na nilagyan ng bandage yung sugat niya sa siko dahil matatagalan bago ito gumaling.

"Tuloy ba tayo mamaya?" tukoy ko sa planong lakad ng barkada, may rest house kasi malapit sa beach sila Liz at nagkayayaan kanina matapos iannounce sa school na walang pasok sa Monday next week, and Tuesday naman ay hindi nalang kami papasok para masaya.

"Yup. Wait... dadaan ka diba ngayon sa café niyo? Bihis ka na" sinunod ko nalang yung sinabi niya, 4pm pa lang naman at 11pm ang alis namin mamaya para bumyahe, so uuwi ulit kami dito sa bahay para mag-impake.

-

"Are you sure ayaw mong pumasok sa loob?" Tanong ko sa kanya pagkapark palang ng sasakyan niya rito sa labas ng café.

"Di na, basta may cake pagkalabas mo ah?" I just smiled at her cuteness then lean in to kiss her lips.

"That was fast.." she complained when I stopped kissing her when she's about to respond.

"It's your punishment, hindi ka nag-iingat ayan tuloy may sugat ka nanaman"

"Hmp! Bumaba ka na nga, pasalamat ka mahal kita"

"I love you too"

Nilingon ko muna siya pagkababa ko ng kotse, she's looking hot on her black vans hoodie and aviator glass, di na rin siya nagpantalon at nagshort lang siya kaya hindi ko maiwasang sulyapan yung legs niya kanina habang nagdadrive siya, ginawa na talaga akong manyak ni Gray.

"Hi ma" bungad ko kay mama nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Hey baby, ang saya mo naman ngayon"

"Syempre" I proudly said and smiled widely.

"Okay, asan na pala yung pina-aasikaso ko sayo last week?" binigay ko naman sa kanya pagkaupo ko yung flashdrive, tsk pinahirapan niya pa akong magencode

"Ikaw na bahala sa supplier ma, di ko naman kabisado 'tong café"

"I sent an email na sa kanila, konti lang muna ang pastry na kukunin natin ngayon. Focus tayo sa milk tea at frappes and sa bago nating food product... canapé!" she happily announced and also giggled like a kid.

"Canapés?... ma kahit sinong tao pwedeng gumawa nun 'no and magkano naman kung sakaling itutuloy mo yan?"

"50 pesos per 3 pieces, addition lang siya ng any drinks"

"Okay, bahala ka.. gawin mo munang limited edition, para kapag hindi pumatok ay madali mo lang na maalis" suggest ko, ewan ko ba kay mama at kung anu-anong naiisipan baka mamaya ay maging resto na 'tong café niya.

"Sige, may point ka naman" buti nakinig. Ayaw ko lang naman kasing mag-invest pa siya ng pera, ayaw kong magaya kami dati na pati allowance namin ng kapatid ko ay naapektuhan dahil sa ilang palpak niyang strategy sa negosyo.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon