Gray
Ang laki mong Gago..
Umaalingawngaw pa rin yung boses niya sa isip ko, yung luha niya na ako mismo yung dahilan. I'm just drunk that time, and gusto ko lang ibalik yung sakit sa kanya, pero ang hirap din pala makita siyang mahina at umiiyak.
"Haaist! Ang bobo mo Rodrigo!" Halos sumigaw ako sa kinauupuan ko habang nakapikit ng mariin at hawak ang ulo ko.
"Di ka lang bobo, tanga pa!"
"D-dun ka nga Liz! Di ka nakakatulong eh!" singhal ko rito, dahilan para irapan niya ako.
Ilang beses ko nang nasabunutan ang buhok ko habang nag-iisip kung ano bang gagawin ko, kung magsosorry naman ako ay hindi niya rin tatanggapin. Pakamatay kaya ako kunwari? Pwede ring nasagasaan kuno para madali niyang mapatawad... Ano ba yan! Wala bang mas malala sa naiisip ko?
"Kainis!" daing ko ulit saka umayos ng upo.
Nandito ako ngayon sa bahay ni Liz, si Elle naman ay bumili ng makakain namin, wala naman kasi akong magawa sa bahay kaya nang mag-aya silang tumambay dito ay pumayag na ako. Sigurado rin namang wala akong magagawa sa bahay kundi magmukmok eh.
"Ligawan mo" huh?... Lul!
"Oo nga baby Gray ligawan mo nalang" segunda ni Elle na di ko namalayang nasa harap ko na pala at nag-aayos ng baso, para san 'to?
"Tapos ano? Sasabihin niya nilalandi ko lang siya?" I can't help but to roll my eyes at that thought. I'm just sweet at everyone and they think I'm flirting with them.
"Eh ano ngayon? Just try to make her feel your love, how sincere you are. Kahit matagalan bago niyo maayos yan and kung rejected ka pa rin, just think.. at least you exert effort" napaisip lang ako sa sinabi ni Liz at sumimangot.
"Ayaw ko ng matagal" saka ako humalumbaba, wala bang mas madaling paraan? Hmmm what if I kneel down in front of her?
No.
Big NO.
Is there any better idea? NON.
"Ligawan mo nga"
"Elle naman, hindi ako marunong!"
"Tulungan ka na namin" nakangiti niyang sabi.
"Yeah, we can help you Alexis"
"What are you doing here?" gulat naman ako at nandito si Athene, kanina naman ay wala siya dito eh.
"Duh! Nagpasundo ako kay Elle dahil boring sa bahay" tumango lang ako sa kanya, sabagay malapit lang naman kasi dito yung bahay nila, nasa dulo kasi 'tong bahay ni Liz at nasa gitna ng subdivision yung bahay ni Athene.
"Wait ba't may alak dito?" nagtataka kong tanong, kanina baso lang yung nasa harap ko tad ngayon may alcohol na. Ano namang pakulo 'to? May pasok pa bukas eh!
"Tanghali naman yung pasok bukas, kaya pwede 'to" sabay yakap ni Elle sa paborito niyang vodka. Ako naman ay napasimangot lang, maingay kasi sila kapag lasing na ultimo brand at texture ng panty nila ay napag-uusapan nilang dalawa ni Liz. Idagdag pa 'tong si Athene na adik sa undies ng VS.
"So kailan ka magstastart manligaw?" nakangiting tanong ni Liz na parang naglolook forward na.
"Do I really have to do that?" Tsk! Gray Rodrigo? Manliligaw? End of the world na ata.
"Of course, ano ba dapat ginagawa sa mahal mo?" tanong ni Elle.
"Sabi ni Kean dati..."
"What?" Prenteng tanong ni Athene.
BINABASA MO ANG
My Skater Girl (GxG)
Teen Fiction"I don't know If she would stay or just skate into my life" Alison Reyes- A good girl and independent daughter of the famous lawyer in town. 'Bff goals, boyfriend goals and body goals' she have all of that, that's why she keeps her name neat and cle...