Alison
1 week na rin ang nagdaan, Saturday ngayon and nandito kami sa bahay ni Liz.
Hindi pa dumadating si Red at Ayah dahil traffic pa daw. Sus... baka nagmemake-out lang silang dalawa.
"Oy Hetti... I mean Fra, HAHA! Paabot ng remote sa gilid mo" kahit kelan napakamapang-asar niya talaga!
"Hetti ka dyan?! Baka gusto mong pumasok ng pilay..."
"Si Ali si McDonald HAHAHA!!" asar niya rin sakin! Pinansin ko naman yung suot ko, naka 3/4 shirt ako na red and white ang stripes... lahat nalang talaga pinapansin niya!
"Ano Alice banatan na natin yang si Gray?" Sabi ni Fra at pinatunog na yung knuckles niya.
"Ba't kasi blonde yung buhok niyo?"
"Aaah.. so kung blonde tatawagin mo na kaming character ng ilang fast food chain ganun?" pag pabalang pa yung sagot niya sakin ay babalian ko na talaga siya.
"Uy si Jollibee!!" Tumingin naman ako sa pinto at nakita si Ayah na nakasuot ng stripes na red and yellow, hutaynang buhay naman oh...
"Jollibee?" Tanong niya kay Gray at mamatay-matay naman sa katatawa yung isa, abnormal talaga.
"Ako daw si Hetti, si Alice naman si McDonald at ikaw daw si Jollibee dahil sa damit mo" sabi ni Fra saka umirap.
"Oy Gray, tumigil ka nga!" Saway sa kanya ni Elle kaya tumigil na rin siya.
Tumabi sakin si Gray habang nanunuod ng tv, humilig rin siya sa balikat ko na akala mo unan niya ako, kundi ba naman shunga!
"Si Ayah may chikinini" bulong niya sakin at nangingiti naman ako sa sinabi niya, chikinini kasi yung ginamit niyang term.
"Oh kung may kiss mark siya?"
"Inggit ako"
"Gusto mo lagyan kita" napaurong naman siya at tumingin sakin, ako naman ay nabigla rin sa sinabi ko... gosh!! Nasabi ko talaga yun?!
She grinned at me and wiggle her eyebrows.
"Ikaw ha... naiinlove ka na sakin, para-paraan ka pa pero sige hon dito ooh.." turo niya sa baba ng tenga niya tapos nilapit niya pa sakin and parang natuyuan naman ako dahil ang flawless ng leeg niya.
"Binibiro lang kita, feeler much!" I said and look away, My gooosh... Bakit ba may epeko siyang ganun sakin?! Well nakalimutan ko kasi atang dyosa siya slash demonyo.
Anim lang kaming magse-celebrate ng birthday ni Liz pero nagulat ako kasi ang daming pagkain, sabagay mayayaman eh...
"Pumunta pala kami ni nay Mel sa hospital kahapon" sabi niya pagkatapos niyang nguyain yung carbonara.
"Anong sabi ng doctor?" Tanong ko at ginamit din yung other spoon para subuan ang sarili ko.
"Secret" kahit kelan ang lakas talaga niya mangbwisit!
"Ano nga?"
"Try ko na daw igalaw yung kamay ko"
"Uhm... tinry mo naman?"
"Masakit pa, pero in three days baka kaya na and pwede na natin gawin yung miniature"
"That's good"
"Gusto ko ng cake" utos niya sakin at tumayo naman ako para ikuha siya.
"Pansin ko... sayo lang naging komportable si Gray" lumingon ako para tignan yung taong nagsalita at nakita ko namang si Liz lang pala.
BINABASA MO ANG
My Skater Girl (GxG)
Teen Fiction"I don't know If she would stay or just skate into my life" Alison Reyes- A good girl and independent daughter of the famous lawyer in town. 'Bff goals, boyfriend goals and body goals' she have all of that, that's why she keeps her name neat and cle...