Skate-28

8.6K 245 10
                                    

Alison

"I hope your feelings won't fade to Gray :/"

After reading the note in front of my locker, I just insert it in one of my book.

Marami pa akong nababasang ganyan sa locker ko eh, yung kahapon yung nakakainis, ang kapal ng mukha. The note says Gray is love <3.. ugh!

Well obvious naman sakin kung sino yung nag-iipit sa pinto ng locker ko nun eh, It's Gray that's sooo cliché.

Iiling-iling akong umalis sa harap ng locker ko, late na ata ako dahil sa kakaisip kung ano bang ginagawa niya, bakit pa ba siya nanunuyo after she said she doesn't feel the same way.

"Hmm.. late ka rin?"

"Late na'ko nakatulog eh"

"Thinking 'bout my friend?"

"I can't deny it Athene" wala namang kailangan itago dahil totoo.

"I know she hurt you, but do you ever think that she's in pain too? And the treatment you're giving right now won't change the situation between the two of you, pinapalala mo lang"

"So sinasabi mong patawarin ko siya agad? If you only know kung pano siya manuyo, nakakapikon"

Tumawa siya sa sinabi ko na ipinagtaka ko naman.

"Don't mind me, Gray really hate to chase and please people. Una na ako, may dinaanan lang naman ako dito sa building niyo eh" tumango nalang ako sa kanya, ang gulo ng babaeng yun dati sinusungitan ako tapos ngayon himig mabait siya.

Buti nalang ay sa likod ako nakaupo, kaya sa likod na pinto ako dumadaan. Yung prof namin ay halos hindi ako naramdamang pumasok na ikinasaya ko nalang.

"Ms. Rodrigo are you listening or what?" sa di malamang dahilan o instinct na ata dahil.. basta nakiusyoso nalang ako.

Halos lahat ng estudyante sa room ay nakatingin kila sir at kay Gray, yung isa naman ay parang first time ko atang nakitang natakot or parang batang nahuli.

"Sor-"

"Get out at dun ka mag-COC sa labas, di ko kailangan ng estudyanteng hindi nakikinig sa klase" yung prof naman namin na singkit at pogi, bata pa kasi, ay inis na inis, kita sa mukha nito ang pagkaseryoso.

"Ediwow sir, iki-kick kita sa clan. Sali sali ka samin weak ka naman sa war, pati base mo bulok" kung kanina ay parang bata nga siya, ngayon naman kala mo kung sinong siga sa kanto, wala eh.. Gray Rodrigo yan, inis niya ring kinuha yung bag niya at lumabas ng room. Napuno naman ng tawanan yung room, mostly lalaki yung tumatawa since sila naman ang nakakarelate sa ganun.

"Kaya nga, ka-clan ko yang si Gray at sir, at tama si Gray.. weak nga si Sir" sabay tawa ng nasa unahan ko after niyang ibulong yun sa katabi niya.

"Wish I have enough confidence like Gray" bulong sakin ni Frans, siya na kasi yung katabi ko ngayon kasi nakipagpalit ako kay Liz ng upuan.

"Hmm.. try mo minsan" suggest ko, tumahimik na rin yung paligid dahil kay sir, ewan kung takot sila or tapos na sila sa kakatawa. Bata pa naman kasi yung prof namin, baguhan at sub lang, 26 or 28 palang ata siya.

"Mamaya daw magmall tayong apat, magbabantay ka ba sa isa niyong branch?" tanong niya, well di naman ako busy later, kasi nakahire na si mama ng manager, sa wakas!

"I'm..."

"Alice, ang daya mo"

"Not busy" saka ako humagikgik.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon