Skate-30

9.3K 317 29
                                    

Alison

"Ma'am ayos lang po kayo?"

"A-ah yes, yes. Why?" taranta 'kong sagot, hindi lang talaga maalis sa 'kin na pinagtawanan niya ako kanina habang pinapatay na ako ng selos.

"Pa-swipe po ma'am, mali po kasi yung napunch ko. Sorry po"

"It's okay, let me" and then she gave way naman para sa 'kin.

30 minutes rin akong tumayo sa gilid ng counter para magbantay ng mga tauhan bago pumasok sa office ko.

Napahilot nalang ako ng sintido at nagsimulang ireview yung papeles na nasa harap ko, supply lang naman namin 'to pero kailangan ko pang isipin kung ilan ang o-orderin ko, hindi ko rin kasi alam kung papatok ba ulit yung product at bebenta rin ulit o maghahanap nanaman ng iba yung customers.

Huminga nalang muna ako ng malalim bago kinuha ang phone ko at nagdial.

"Hello ma?"

"Yes dear?"

"Pwede bang ikaw muna umasikaso rito? Something's bothering me" stupid Alison, it's someone.

"Hmm. Okay since sa bahay lang naman ako. 30 minutes andyan na 'ko"
"Thanks ma"

So yeah, wala pa nga atang 30 minutes ay dito na siya.

"What's bothering you anak? Namumroblema ka ba sa school, friends or dahil may kina-iinlove-an ka?" I lift my head up and found her looking intently at me.

"Ma naman, kung anu-anong pumapasok sa utak mo" pagdedeny
ko, ni hindi niya nga alam na baliko na yung anak niya eh.

"Oh, Alice. Mama mo ako, alam ko yung mga ngiti mo nakaraan, it's like you just won a lottery and now... look at you, dati hindi ka naman umuuwi sa bahay, minsan tinatawag kita pero tulala ka. Rejected ka ba?" Aray naman. Yun talaga yung term?

Ilang segundo akong hindi nakasagot sa kanya at umiwas ng tingin.

"Alison kahit anak kita, kinakahiya kita. Kahit kailan walang nareject sa pamilya natin, babae man o lalaki"

"Ma naman, maling tao lang talaga yung napagtibukan nito" nahihiya 'kong sagot sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"It's okay anak, halika nga dito" then she spread her arms wide at yumakap naman ako sa kanya, this is what I need right now.

"Ma sa unit ko muna ako" paalam ko, almost two weeks na rin kasi akong umuuwi sa bahay namin.

"Ok, basta wag kang magsu-suicide aah?"

"Ma, hindi ako ganun kastupida"

"Oh talaga? Eh sabi mo nga totoo yung fake grass natin sa lawn nakaraang araw"

"Eeeh, wag ka nga!"

Kahit papaano ay gumaan din ang pakiramdam ko sa simpleng kulitan namin ni mama. After ilang minutes ay binuksan ko na yung pinto unit ko at pumasok.

"Hmm.. what to cook?" I asked myself while putting my shorts on, kakatapos ko lang magshower and nag-iisip ako kung magpapadeliver ba ako or magluluto.

Okay, final na, magluluto nalang ako. Buti nalang at namalengke ako bago umuwi kahapon, balak ko rin kasi ditong magstay ngayon dahil kinakawawa ako ng kapatid ko sa bahay. But as a sister ay okay lang naman, gusto ko lang talagang mapag-isa. Yun talaga yun eh.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon