Skate-47

6.1K 249 7
                                    

Gray

It's almost twelve hours since umalis si Ali pero sobrang lungkot pa rin ni Kris. Maya't maya ay titingin siya sa main door ng bahay at titingin sa 'kin habang nakasimangot, parang sinasabi sa 'king nasaan si Ali.

"Mie.." rinig ko pang sabi nito while hugging her knees. Hindi ko naman maiwasang malungkot para sa anak ko kaya lumapit agad ako rito at kinandong siya sa 'kin.

"Sshhh... mommy is here 'nak" alo ko rito at hinimas-himas pa ang likod.

"I want my mie..." and then she cry that made me close my eyes deeply. Nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganito at nasasaktan ako dahil dati ang kwento sa 'kin ni Megan ay ako lagi ang hanap hanap ni Kris pero ngayon iba na, maybe she's too attached kay Ali na talagang lumayo ang loob niya sa 'kin.

"Sshh... Gru's here and I will never leave you, okay?" I look her in the eye habang pinupunasan ng thumb ko ang gilid niyon.

"But I want to see mie, I wanna play with her" patuloy pa rin siyang umiiyak kahit hawak ko na siya, it hurts to know your child wants to play with someone else kahit nasa harap ka naman niya, pero parang blessing na rin iyon dahil I will see Ali kung paano maging nanay sa anak ko na hindi niya naranasan kay Chasney.
"Okay, tomorrow you'll be with her pero ngayon... tayo muna ang magkasama okay?"

"Promise?" hingi niya ng assurance at nagpunas ng sariling luha habang nakasimangot.

"Hmm hmm, you can be with her all day" at sukat do'n ay ngumiti na siya at yumakap pa sa 'kin ng mahigpit. Being wrapped by her small arms is one of the best feeling in the world, maliban sa hug ni Ali.

After a minute or so ay humiwalay na siya sa 'kin, she even kissed me. "Love you Gru.." I smiled at my kid at kinarga siya papuntang mesa para magdinner. Nakakandong pa rin siya sa 'kin at inaalalayan ko naman siyang kumain.

"You want fried chicken or fish?" tinuro niya naman 'yong fish na nasa harap ng plato ko kaya nagstart na akong paghimayin siya.

"Gru?" tawag pansin niya sa 'kin habang naghihimay.

"Hmm?"

"Bakit parang magkakilala na kayo ni mommy Alice?" sa tanong niyang iyon ay napaisip naman ako kung paano ko sisimplehan ang paliwanag ko at nang makaisip ay tumigil ako sa paghihimay at humarap sa kanya.

"She's my first wife" sa alanganin kong sagot ay agad namang kumunot ang noo niya. Bata pa kasi kaya naguguluhan talaga.

"Eh 'di ba si mama 'yong wife mo?"

"Your mommy Alice is the first but unfortunately something bad happened that made us apart then I met your mom tapos marami pang nangyari pero we end up at the altar" nahihirapan kong paliwanag and maging siya ay nahihirapan din akong intindihin. Nagulat na lang ako when her little hands cupped my face, she smiled at me that made my heart fasten its beat.

"Someday mommy, maiintindihan ko rin 'di ba?" natuwa naman ako bigla because at her young age ay may initiative na siyang gano'n.

"Of course baby, kasi ipapaintindi ko siya sa 'yo" after kong masabi iyon ay nagstart na rin akong ifeed siya ulit.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, I hugged Kris beside me and kissed her bago ako bumangon para makapagluto.

The usual breakfast meal lang ang niluto ko and tinawagan na si Ali, sana lang talaga ay pumayag siya kundi.. wala akong mukhang ihaharap sa anak ko.

"Hello?" She said from the other line, ramdam kong naistorbo ko ang tulog niya dahil parang ang suplada ng tono niya.

"Good morning Ali, it's Gray.." nahihiyang wika ko.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon