Skate-9

9.5K 299 8
                                    

Alison

Paalis na ako ng bahay para pumasok sa school, hindi ko na rin kailangan sunduin si Gray dahil maayos na ang kondisyon niya, two weeks na rin kasi simula nung maigalaw niya yung kamay niya at nagsisimula na rin kaming gumawa para sa miniature project namin.

Saktong tatanggalin ko na yung nakacharge kong phone nang may uknown number naman ang tumatawag.

"Hello?"

"Baba ka na, sabay tayo" sabi nang pamilyar na boses sa kabilang linya, pansin kong medyo nagmamadali ito.

"Gray?"

"Bilisan mo ayaw ko nang pinaghihintay" kahit kelan talaga napaka-bugnutin niya.

"5 minutes" sabi ko nalang, makakatipid rin ako sa gas kung sasabay ako sa kanya.

Pagkalabas ko palang ng building ay hinanap ko na agad yung sasakyan niya. Alam ko rs6 matte black yun eh.

Lumakad pa ako ng konti sa sidewalk para mahanap yung sasakyan niya.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng sunod-sunod na horn ng sasakyan.

Agad akong lumapit rito at pumasok.

"Aray! ALISON! Inaano kita?!"

"Ang ganda ng good morning mo eh noh?! Papatayin mo ako sa nerbyos eh!"

"Sus! Eh lalapit pa nga lang ako sayo ninerbyos ka na eh. Ramdam kita, ganun talaga kapag nakakakita ng dyosa" I just rolled my eyes at her, ngayon lang ako nakaencounter ng kagaya niyang makapal ang mukha.

"So feeling mo naman bagay sayo umirap, para kang nangingisay"

"Ikaw di ka talaga titigil hanggang hindi kita nabubugbog ha?"

"Aray pasalamat ka I like it rough" sa sinabi niyang yun ay napatigil ako sa pangungurot sa leeg at braso niya. Namumula na iyon at bumakat rin yung kuko ko kaya medyo nakonsensya naman ako.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong, she like what?

Tumingin naman ako sa mata niya at pansin kong nagdilate yung pupils niya kumpara kanina.

"Naa-arouse ako, wag mo nang kukurutin yung leeg ko" sa sinabi niyang yun ay napalunok naman ako ng sunod sunod at parang pumintig naman ng mabagal yung puso ko.

"Bastos!"

"I'm just being honest, but don't worry di naman kita gagalawin" saka niya hinagod ng tingin yung katawan ko and twitched her lips in disgust.

"Nakipagsex ka na ba?" Stupid Alison! Kakasabi niya nga lang ng 'I like it rough' duuuh?

"Babae o lalaki?" She asked back, pano kung both yung sagot niya?

Oh eh ano namang pake mo? Wala lang, basta!

"Lalaki?"

"Yucks!" She blurted out.

"So girls?"

"Yeah, intense yun... why did you ask?" At kinagat niya pa yung ibabang labi niya at napahawak ng mahigpit sa manibela ng sasakyan niya, nag-iimagine ata.

"Wala naman, is it that intense?" Subok ko, mukhang may naglalarawan na nga sa isip niya.

"Are you still a virgin?" Sukat dun ay nanlaki naman yung mata ko, anong akala niya sakin?

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon