Skate-41

6.3K 249 19
                                    

Ali

"Gray, how is she?" nangangamba kong tanong nang makagising ako. Hapong hapo man dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam at biglaang kaba ay ngumiti na lamang ako.

Nagsusumamo ang mga matang tumingin ako sa kanya, tila iniisip niya pa ang mga sasabihin nang hawakan ko ang kamay niya. "Asan siya?" ngunit nang hindi siya sumagot ay mas lalong humigpit ang hawak ko at parang may mabigat akong pakiramdam, parang may mali.

"I chose you over her— I'm sorry, I just can't imagine my life without you. I'm sorry, I'm sorry love." Pagmamakaawa niya't kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. I even yelled at her, telling her to get out of the room and never come back because of anger.

Paulit-ulit na piniplay ng utak ko ang mga nakaraang akala ko'y nabaon ko na sa limot dahil sa kapatawarang matagal ko nang nahanap sa puso ko. Ngunit tuwing nagagawi ako sa puntod ng anak namin ay hindi ko maiwasang maalala.

Nakakatawang isipin na kahit ayaw kong dalhin ng bata ang last name niya eh wala rin akong nagawa, siya kasi ang nag-ayos ng papers nito.

Chasney Rodrigo, My precious princess, my baby.

After namin makagraduate ay nagmadali kami sa lahat ng bagay. Nang makahanap ng trabaho at makaipon simula makapasa sa exam ay nagpakasal kami agad dito sa Pinas, hindi man iyon legal ay nagsama parin kami sa iisang bahay at nagplano magkaanak dahil sa hiling ng lolo't lola niya.

Ilang minuto rin akong nakaupo lang sa tabi ng puntod niya nang may malamig na hanging tila yumakap sa 'kin. "Happy 5th birthday anak" wala sa loob kong napayakap ako sa sarili, iniimagine na yakap ko siya "ang daming kwento sa 'yo ni mama" wika 'ko, basag man ang boses ay ipinagpatuloy kong magkwento, iniisip na nakikinig siya.

"Alam mo ba baby may inaalagaan si mama ngayon. You're a year ahead sa kanya" malambing kong kwento habang nagpupunas ng luha. "Her name's Kris.. gray din yung eyes niya gaya kay mommy Gray mo. Siguro kung buhay ka, kagaya mo siya— matalino at mabait, well medyo may pagkabrat nga lang ang little sis mo" natutuwa kong kwento.

Kanina lang ay iiyak-iyak akong nagsimulang magkwento pero nung malapit na akong matapos ay puro ngiti at tawa na ang namamayani sa tahimik na lugar. Naisip ko ring sa loob ng limang buwan ay masaya akong kasama si Kris at nafeel kong maging mommy kahit na iniisip ko minsang siya si Chasney.

"Mama have to go na baby.. baka maabutan ako ng mommy Gray mo rito. Alam mo namang hindi ko pa kayang harapin siya right?" parang may sign naman na nagsasabing umalis na ako. Agad akong tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan ko. Habang naglalakad ay may narinig at nakita akong pagbukas at pagsarado ng pinto ng kotse, isang nagmamadaling nakaitim na babae ang nakita kong may gawa nun at mabilis nitong pinaharurot ang kotse palayo.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kabang biglang dumaloy sa sistema ko. Hindi ko alam kung saan iyon galing ngunit parang biglang nanlamig nalang ako. Haaays Alison kalma, hindi siya 'yon kausap ko sa sarili ko. Ewan ko ba at bigla nalang akong nag-ilusyon at nag-assume na siya 'yon. Bakit naman kasi hindi ako mag-aassume eh, death anniversary ngayon ni Chasney at hapon ang alam kong oras ng pagbisita ni Gray.

Nang makabawi ako ay nagtungo na ako sa sasakyang ipinahiram ni Ayah sa 'kin at umalis na sa lugar. Kailangan ko pa kasing bilhan ng pasalubong ang nag-aantay na si Kris sa bahay.

Napagpasyahan kong sa café ng dating kaibigan ko ako bumili ng chocolate cake. Sure akong Kris will be happy kapag nakita niya ang pasalubong ko, fav niya kasi ang mga matatamis.

Nang makapasok ako sa café ay agad akong nginitian at binati ng mga staffs dahil kilala nila ako. "Good afternoon ma'am ang tagal niyo po nawala ah? the usual order niyo po ba?" Tanong ni Mira, dati ay isa lang ito sa staffs pero ngayon ay manager na. "Ma'am usual order po ba?" Pag-uulit niya ng tanong pero di ko pa rin masagot dahil may naaalala nanaman ako. Tuwing pumupunta kasi ako rito ay favorite cake ni Gray ang ino-order ko at paulit-ulit iyon sa loob ng ilang taon.

Nang makabawi ay ngumiti ako rito at um-oo saka naghintay sa isa sa mga table. Ilang saglit rin ay binigay na yung nakabox na cake at nagbayad na ako saka umalis.

"Mieeee" nakangiting si Kris ang bumungad sa 'kin ngunit hindi naman nakatingin sa 'kin kundi sa cake na hawak ko. Agad ko siyang kinarga papuntang kusina at inilapag sa upuan. "Wait ka lang ha? I'll slice it pa kasi" nangingiti lang siya habang naghihintay sa cake niya.

"Hindi siya palasalita ano?" sa boses pa lang ay alam ko ng si Ayah iyon.

"Hmm oo and ayaw niya rin ng maingay" sagot ko at inaya siyang kumain ng dala ko.

"Hmm kaya pala isang tanong, isang sagot rin siya" komento nito habang kumakain. Nginitian rin nito si Kris ngunit napaatras naman ang bata at napakapit sa laylayan ng damit ko.

"Naninibago lang siguro sa 'yo" pansin kong mahigpit pa rin ang kapit sa 'kin ni Kris kaya hinimas ko ang likod nito saka sinubuan ng pagkain.

"Mie bakit may bukol sa tyan niya? Monster po ba siya?" napatawa ako ng bahagya sa turan niya kaya umiling-iling ako. Hmm.. pa'no ko ba maeexplain sa kanya yun in a simplest way? Nag-iisip na tumingin ako kay Ayah na nakasimangot. Dahil yata nasabihang monster, well I know the feeling naman, pag buntis kasi feeling mo ang panget panget or ang baboy mo or balyena ka. Tumingin nalang muna ako kay Kris saka nagsalita "Aaah she's pregnant kasi. Means may baby dun sa tummy niya" ewan pero parang natakot naman siya sa sinabi ko at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa 'kin. "She ate the baby?" Sabay kaming napatawa ni Ayah sa reaksyon ni Kris at nang makabawi ay sinuklay ko ang buhok nito. "No, it means nabubuo yung baby sa tyan niya ngayon. And pag lumabas si baby... may playmate ka na" sana magets niya. *le crossed fingers.

After naman naming kumain ay umakyat muna ako sa taas kasama si Kris at humiga. Tinatanong ko siya ng mga place na gusto niyang puntahan pero wala naman siyang maisagot pa. Nag-iisip yata.

"I wanna go to R&L con-condo-"

"Condominium" dugtong ko dahil nahihirapan pa siyang bigkasin. Saan naman kaya niya napulot ang pangalan ng lugar na iyon? Siguro dahil sa ad nito sa TV.

"Bakit naman doon?" well hindi naman yun masyadong malayo dito sa bahay nila Ayah at doon nagstestay ngayon si Frances pero parang kinakabahan naman akong pumunta doon dahil pagmamay-ari iyon ni Gray at ni Kean.

"May playground doon" nakangiti niyang sabi and how can I turn her wish down if she's smiling like that. "Hmm okay" pagsang-ayon ko at ngumiti rin sa kanya bago niyakap.

Bigla namang nag-ring ang phone ko, si Frances ang tumatawag and I think it's great because I was just about to call her. "Hi Fra" masayang bati ko rito.

"Hey invite ko lang sana kayo sa unit ko next next day, Is it okay? 'Cause I miss you guys naaaa.. lalo na ikaw" naglalambing na sabi nito sa kabilang linya.

Nagkwentuhan lang kami saglit matapos kong um-oo sa kanya at bumaling kay Kris na natutulog na pala. Nabusog siguro dahil four slice ng cake ang nakain niya.

---

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon