Skate-45

5.6K 233 26
                                    

Alison

Lumuluha ako habang nakaupo ngayon sa gilid ng kama. Baka kasi kapag humagulgol ako ay magising si Kris sa tabi ko. I took a glance at her and agad din bumalik sa pagkakatalikod ko para kumuha ng tissueng pampunas sa mukha ko. back then, I'm thanking god he gave me Kris kahit naaalala ko sa mata nito ang taong patuloy pa ring kumukulong sa 'kin. But now, I'm asking him, bakit sobrang liit ng mundo at anak pala 'to ni Gray? bakit kailangan magkalayo kami ng batang itinuring kong anak? Ang sakit.. ang sakit sakit. Sobra. Para akong namatayan ulit. And now, hindi ko now na naman alam ang gagawin ko sa buhay ko. I have nothing to keep me going.

Before akong umalis ng Cebu, I told myself na kapag nagkaharap kami ni Gray ay saka ko lang ireready ang sarili ko. I'll tell her that it's still her. That she's the reason kung bakit ako lumalaban sa buhay, na kaya ko lang kailangan lumayo para mahilom ang sugat sa puso ko. 'Cause that time habang nakikita ko siya ay naaalala ko ang pagkawala ng anak namin. I went away thinking she will wait for me, kasi sabi niya kahit anong mangyari hihintayin niya ako. But now, kapag binalik ko si Kris ay kumpleto na ang bagong pamilya niya. Paano ako?

"Alice?" pagkarinig ko pa lang ng tawag ni Ayah ay agad akong nagpunas ng mga luha ko. Binuksan ko ang pinto at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Bakit ka umiiyak?" she asked at mas lalo pa akong napahagulgol. "Teka, bakit andyan ang maleta ni Kris?" tanong niya pa. Humiwalay ako sa kanya at hinila siya sa sala sa baba. Buti at mahimbing ang tulog ni Kris at hindi nagising sa pag-iyak ko.

"Mawawala na sa 'kin si Kris" I said while my tears keep rushing from my eyes.

"What? Alison hindi kita maintindihan" gulat niyang wika at hinawakan ang dalawa kong kamay saka ako hinilig sa balikat niya.

"A-anak si-siya ni G-Gray, si Kris... anak siya ni Gray!" pagsisiwalat ko.

"Paano? Nagkita kayo? Andyan ba siya sa labas?" lumingon pa siya sa bintana ng bahay at itinuon ang paningin sa 'kin. "Wala namang ibang kotse sa labas ng gate" naguguluhan niyang sabi.

Little by little ay kinwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga kung paano narecognize ni Ms. Carla at Kris ang isa't isa.

"Tinawag niya pa ngang tita Carly 'yong Carla na 'yon" naiiyak na naman ako, thinking na kaunting oras na lang ay hindi ko na makakasama si Kris.

"My gosh Alison... I'm fucking shocked! Destiny talaga kayo ni Rodrigo... destiny lang para pala ibalik mo sa kanya 'yong anak niya sa asawa niya ngayon" pang-aasar niya. I pout and look at her intently. Nagtatampo ako, ang lungkot ko na nga a wala nang maisip tapos aasarin niya pa ako. Binanggit niya pang may asawa na 'yong ex ko.

"Eto naman, ayaw ko 'yang mga ganyang titig mo eh" pinasandal niya ako sa balikat niya at pinakalma. "Biro lang naman. You have to be strong ngayon lalo na't wala ka ng pinaglalaanan ng lahat ngayon. Ang gawin mo na lang.. humanap ng jowa. Kaya after mong ihatid si Kris, dumiretso ka ng bar at magpabuntis. Sa gwapo din friend ha? Para maganda ang lahi" natatawa niyang sabi.

"Sira!" Tatawa-tawa lang siya nang batukan ko siya. Kahit papano ay gumaan ang loob ko nang may masabihan ako ng problema ko.

Nang pumatak ang six thirty ng gabi ay nagpaalam na akong ihahatid ko si Kris sa bahay ni Gray. Kalmado na rin ako at tinatanggap na sa sarili ko ang sitwasyon. Siguro kailangan ko na ngang maglet go. Five years in cage of her memory is enough, malaki ang naging pasakit no'n sa 'kin.

"Ayaw mo bang bumili muna ng pagkain mo?" tanong ko kay Kris habang nagdadrive. Iling lang ang sagot niya sa 'kin at itinuon ang atensyon niya sa mga maliliit na daliri niya. "So... tell me about your mom" I was referring to Gray's wife.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon