Skate-43

5.6K 188 8
                                    

Alison

Maaga nang magising kami ni Ayah, nagkekwentuhan kami ngayon dito sa garden nila habang nagkakape. Sa isip ko naman ay natutuwa ako sa baby bump ni Ayah, naalala ko tuloy yung feeling ko noong buntis ako. Parang may magic and naooverwhelm ako noong dala-dala ko si Chasney.

"For good ka bang magste-stay sa Cebu or for work lang?" tanong sa 'kin ni Ayah.

"Actually hindi muna ako magwowork ngayon eh. Nagbabakasyon lang talaga ko sa Cebu and gusto ko rin muna tutukan si Kris" paliwanag ko naman, i'm planning to file an adoption paper para kay Kris. Kinakabahan kasi ako kapag nagtravel kami ulit eh peke lahat yung papeles nung bata.

"What? Eh paano yung condo mo kung magbabakasyon ka lang pala?"

Nagsip muna ako sa coffee ko bago sumagot sa kanya at ngumiti. "Pagkatapos muna ng pinapagawa kong bahay ngayon" masaya kong balita. Naeexcite na ako tumira doon at makipagkaibigan sa mga kapitbahay namin ni Kris.

"Ang yaman mo na talaga!" biro niya sa 'kin ako naman ay natawa lang. Ayaw ko kasing sa condo itira si Kris dahil madalang siyang makakalanghap ng totoong hangin doon. Gusto ko ring maganda ang maging childhood experience niya kaya sa isang subdivision ako kumuha ng place para sa bahay ko. Gusto ko marami siyang maging kaibigan doon at matuto ng maraming bagay maliban sa matutunan niya sa school.

"It's for Kris, ayaw ko siyang kulungin sa condo baka maging hindi palakaibigan eh"

"Sabagay, wala naman kasing masyadong bata sa ilang condo. Ganoon din ang naisip ko and baka kasi hindi matuto ng larong pinoy ang baby namin ni Red" after all magkaibigan talaga kami, halos parehas kami lagi ng iniisip at desisyon.

Ilang minuto rin ay nagpasya na kaming pumasok sa loob ng bahay dahil medyo mainit na ang sikat ng araw at hindi na kinakaya ng balat ko. "Mie" napalingon ako at nakita ang kakagising lang na si Kris. Ngumiti ako rito bago ko kinarga.

"Good morning baby... wait lang ha? Magluluto pa si mommy" nakangiti kong sabi, hinalikan ko pa siya sa pisngi bago ko ibinaba para makaupo siya.

Ilang saglit lang ay natapos ko ring magluto. Ipinrepare ko na yung table para makakain na kaming tatlo nila Ayah. Si Red kasi ay sobrang aga umalis para sa business trip kaya kami lang ang naiwan rito sa bahay nila.

"Ayah let's eat na" tawag ko sa pansin ni Ayah na nasa sala at may kinakalikot sa phone niya.

"Nako sorry hindi na ako nakatulong magluto, kausap ko kasi si Mama eh" paumanhin naman ni Ayah nang makaupo siya sa harap namin ni Kris.

"Ikaw naman, hayaan mo na akong kumilos tsaka para relax lang kayo ni baby mo"

"Alam mo namang hindi ako sanay na walang ginagawa" nakasimangot niyang sabi. Parang nakokonsensya siya na ako ang nagluto.

"Kumain na lang muna tayo. Eto sa 'yo, gulay. Para healthy si baby" ngumiti siya sa 'kin at iniabot yung pinakbet na niluto ko.

Nagstart na rin akong ifeed si Kris at sarap na sarap ito sa fried chicken na paborito niya kaya ang saya-saya ko.

"Mie, sama po ako" tiningnan ko si Kris na nasa tabi ko na pala. Nagsusumamo ang mga mata nito at kung hindi ko siya pagbibigyan ay alam kong magtatampo siya. Ang hirap niya pa namang amuhin dahil kaya ka niyang hindi pansinin hanggang kailan niya gusto. Nangyari na 'yon dati sa 'min at ayaw ko nang maulit.

"Sige, pero magbihis ka muna" hinubad ko na ang damit niya at pinalitan ng cute na t-shirt na regalo sa kanya ng tita Ayah niya, pinasuot ko rin siya ng black na hoodie for toddler dahil mahangin ngayon at tingin ko ay uulan pa.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon