Skate-33

9.3K 253 17
                                    

Mature content ahead :|

Gray

Days passed by between me and Ali and till now, I still can't believe that she's mine.

"Gising ka na pala 'nak, anong gusto mong ulam? Good morning pala" nakangiti sa 'kin si nay Mel at yumakap naman ako rito.

"Good morning rin nay, kahit pancake nalang ho" humiwalay ako ng yakap sa kanya at naupo sa malapit na upuan matapos maglagay ng maid nang gatas sa table.

"Naku kang bata ka, weekend ngayon at dapat ay kumain ka ng marami" eto nanaman siya, tumango nalang ako saka kinuha yung baso at nagsalin ng paborito kong fresh milk.

"Oy oy, wag mong damihan ang pag-inom niyan"

"Nay naman, wala na ngang c2 at soda dyan sa ref pagbabawalan niyo pa ako nito. Pagbigyan niyo na 'ko"

"Ikaw talagang bata ka, alam mong banned na yun dito sa bahay eh. Itago mo na yan at kakain ka pa ng marami"

Nyenye, sa school nga hindi na 'ko nakakakain ng chips na gusto ko pati inumin na gusto ko dahil kay Ali.

"Tada... nay Mel's special fried pork chop with fresh kamatis and asin!" my eyes widened in happiness, matagal na rin akong hindi nahahandaan nito.

"Nice nay! Kala ko aalis na 'ko dito sa upuan ko eh"

"Oh eh bakit ka naman aalis?"

"Busog na 'ko sa gatas eh, hehe.."

"Hmm... sige na kumain ka na dyan"

"Nay di mo 'ko sasabayan?" tanong ko, paalis kasi siya eh.

"kumain na kami eh, tsaka mamalengke pa ako. Tingnan mo yung ref natin walang laman" binuksan niya pa yung ref para ipakita sa 'kin na wala ngang laman, well meron naman kaya lang tubig at ilang prutas lang. Hindi naman kasi namimili si nay Mel ng maramihan eh, nasasayang lang dahil pili lang ang gusto kong pagkain.

"Ay sige po. Nay baka pwede niyo nang ibalik yung dati kong pagkain oh.. para naman akong preso niyan eh. Nangangayayat na 'ko oh" I even raised my wrist and wiggle it in front of her.

"Sige konti lang" sa sinabi niyang yun ay napatalon pa ako, halos tatlong linggo din akong hindi nakakain nun dahil sa kanila ni Ali. Pano pinagkakaisahan ako at yung magaling kong girlfriend ay sinasamaan ako ng tingin kapag bumibili ako ng ganun.

"Oh sige na, alis na ako"

After ni nay Mel magpaalam ay masaya akong kumain, nagtetext si Ali pero hindi ko muna binuksan dahil sa sarap ng ulam.

Masaya akong ngumunguya nang mapansin ko namang umiilaw yung phone kong nakasilent.

"Patay tumawag na.." I hissed and get my phone then answer it.

"Tagal sumagot" mataray na bungad niya, I gulped while thinking kung anong sasabihin ko. Sprite moves nalang.. magpakatotoo ka!

"Kumakain ako, sorry"

"Mas importante yan?" ano bang problema niya at ke-aga aga eh ang sungit niya, napapadabog tuloy ako habang ngumunguya.

"Ali naman, alam mong no phone kapag kumakain ako eh. Ba't ka pala tumawag?"

"Wala lang, punta ka dito sa unit ko" tapos ngayon biglang lumambing. Napapahinga nalang ako ng malalim habang nakikinig sa static ng phone bago magsalita.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon