Skate-7

10K 324 27
                                    

Alison

"Ali masaya ba kapag maraming kaibigan?"

Nasa park kami ngayon ni Gray na malapit sa building namin, Friday na and sa weekend ay free day ko sa kanya... wait, wala naman siyang sinabing may free day ako, ano ba yan!

"Hmm oo, pero masakit din sa ulo" I replied and took a glance at her, she's looking at the ground while wiggling her feet.

"Bakit naman?" She asked, still not lifting her head up.

"Hmmm... minsan kasi kinakalimutan rin nila tayo, yung tipong pagkatapos ng sem ay hindi na namamansin sa next"

"Ali... can we be friends?" She's still not looking at me but I know in her voice and body language that she's sincere.

"Bakit hindi pa ba?" she finally lifted her head up and my eyes met her steely one.

"Mahirap mag-assume, malay ko ba if you feel the same way towards me or mas deep pa doon, you know... I'm smoking hot"

"Ok na yung una Gray eh, dinagdagan mo pa, conceited!" Ang lakas din talaga ng apog niya!

"HAHAHA, hindi man ako mabuti sa paningin ng iba... sana magstay ka, you still don't know who am I pero, sana wag kang lalayo. Someday, magbabago rin ako hindi ko nga lang alam kung san sisimulan sa sarili ko"

"You know what Gray you don't have to change who you are... tanggap kita, kahit na kung anu-anong sinasabi ng iba, 'cause you know what? Sa ilang araw na nakasama kita nakita ko yung good side mo, nakita ko yung hindi pa nakikita ng iba, yung tinatago mo dyan sa loob mo, kung iisipin nga mas mabait ka pa sa iba dyan eh..." I just received a smile from her, a delightful one.

"Thank you" she said and hug me tight.

Hinatid ko na si Gray sa kanila at habang nagdadrive naman ako pauwi ay hindi ko maiwasang mapangiti, mukha kasing ang saya saya niya.

----

Monday...

Nadisrtibute na yung mga random plan from archi students, and military headquarters ang napunta samin, medyo mahirap dahil malaki dapat ang gagamitin naming plywood na paglalagyan, may mga basketball, tennis, badminton at volleyball court, may park rin, firing place, motor pool, parking lot and syempre yung mga building. Yun kasi yung nakalagay sa drawing paper at autocad.

"Madali lang ang pwesto, ground and trees nitong plan pero mahihirapan tayong magsukat"

"Yeah... pero kung tutuusin ay madali lang kompara sa iba yung atin" yung sa iba kasi ay parang skyscraper na, gawa yun ng ilang third year na hawak ni ma'am, yung iba naman ay airport tapos banko.

"Too easy for Gray"

"Ang yabang mo, sige ikaw magsukat lahat aah?"

"Ayaw!"

"Easy easy ka pa ha..."

"San tayo maglalunch?" Tanong niya, hmm san nga ba?

"Text ko lang si Ayah" I took out my phone and started typing.

"Ayala Mall"

Right after that corny joke ay nagtext naman si Ayah "Sa resto nalang namin :D"

"Haynako Gray ang corny mo pakamatay ka na!"

"Hahaha eh ba't ka ngumingiti?"

"Nako, tumigil ka na"

"Ayala Mall yung sa..."

"Tigil na ba sabi, nakakabaliw ka talaga"

"Why? In a short span of time na magkasama ba tayo nafall ka na?"

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon