Skate-15

8.5K 271 9
                                    

Alison

"Ali iniwan mo'ko kahapon" Gray said then pout.

"I'm sorry, tinamad lang akong pumasok" sumandal naman siya sa balikat ko at nakibasa ng notes ng classmate namin. Iba talaga mga galawan nito, pafall masyado.

"Di ka ba nagsulat kahapon?" Tanong ko, mamaya mapagselosan pa ako ni Francia pag nakita niya kami eh.

"Di rin ako pumasok" she simply said and I just gave her a confused look.

"You left me, I have no one to talk to" sabi niya saka nagbasa ulit.

Minutes passed and binalik na rin namin yung notebook ng classmate namin.

"So san ka pumunta kahapon?" Tanong ko, medyo naiilang rin ako sa kanya. Ewan kung bakit.

"Sa bahay lang ako, natulog" I just nod my head then after that ay pumasok na rin yung prof.

After whole class ay tumungo lang ako sa parking lot, hindi na rin naman ako nahahatid ni Gray eh.

Weeks passed and ganun pa rin kami, usap sa school, kulitan lang tapos uuwi ako sa hapon para makapagpalit at tumulong sa cafe ni mama.

Nasa counter na ako para magcashier, marami kasing tao ngayon at wala naman akong ginagawa sa office ko.

"Yes ma'am?" I said not looking at the lady in front of me, inaayos ko kasi yung pera.

"Isang Alison Reyes" sabi niya kaya napatingin naman ako at kumindat naman siya sakin. Si Gray yung nasa harap at kasama niya yung barkada.

"Unavailable po" sabi ko rin and she look down then pout her natural reddish lips. Ang cute niya talaga, sarap kurutin.

"Di kami aalis dito kapag di ka sumama" sabi rin ni Red sa gilid ni Gray, ang kukulit talaga ng mga kulay na'to!

At dahil nga takot rin ako sa kanila, knowing them kapag may sinabi sila ay tototohanin nila.

"Fine, 5 minutes" sabi ko saka lumakad na palayo ng counter.

"Lakas talaga ng charm ko" rinig kong sabi ni Gray.

Oo Gray sobra, na araw-araw ata ay mas lalo akong nahuhulog sayo.

Corny ko shit..

Pagkalabas namin ay lumapit agad ako kay Red.

"Where's Francia?" I asked habang nilalagay sa balikat ko yung bag ko.

"Kailangan ng mama niya eh, buti nga pinayagan niya si Gray" mabilis niyang sagot, kaya napaisip naman ako.

"Bakit sila na ba?" Tanong ko, hoping and assuming na hindi pa kahit expected ko na rin naman.

"Hindi, basta alam ko nagpaalam siya" I just let out a deep sigh saka umayos ng lakad.

"Sakin ka sasabay tapos kay Red ka sumasabay maglakad" sabi sakin ni Gray na kakalapit lang.

"Malay ko ba" nasabi ko nalang at lumakad na rin kami sa kotse niya.

"Ali... you're so close yet so far away" she said while driving.

"Pinagsasabi mo?"

"It seems like you're not comfortable with me anymore" she said and look at me in the eyes when she stopped the car, naka-red lights na kasi.

"Gray kung anu-anong naiisip mo" I said then flashed a fake smile, trying to shove off the awkward atmosphere.
"Si-siguro nga..." sabi niya lang saka nagdrive ulit when the traffic lights turned to green.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon