Skate-44

4.8K 182 16
                                    

Alison

Matapos kong maisara ang laptop ko ay kinuha naman ni Carla ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya ngunit nakatuon naman kay Kris ang atensyon niya, waring sinusuri ang mukha ng bata.

"Uhm.. yes Ms. Carla?" kuha ko ng atensyon ng aking katapat. Tumingin siya sa mga mata ko bago may kinuha sa drawer niya, isang flashdrive. Ipinlug niya iyon sa laptop niya at ipinakita sa 'kin ang litrato ni Kris.

"I'm sure na siya ang batang hinahanap namin" she said while looking at Kris, sure na sure sa sinabi niya kaya napatingin rin ako sa batang matagal kong itinuring na anak.

"Ma..may iba p..pa bang pictures dito?" Nanginginig kong tanong. Bakit ba napakaliit ng mundo?

Nang tumango siya ay agad kong cinlick ang next button. Nakangiting litrato na bata ang tumambad sa 'kin, may suot itong kwintas kaya izinoom ko ang bahaging iyon. "Kris" ang pendant na nasa kwintas na kagayang-kagaya ng kay Kris. Inilipat kong muli ang picture, naghahanap ng iba pang dahilan para hindi ako maniwala sa pinagsasabi ni Ms. Carla.

Nang mailipat ko na ay nadurog naman ang puso ko, my eyes start to pool nang makita ko ang isang family picture. Nasa picture si Gray at masayang karga-karga ang batang kamukha ni Kris, may kasama rin silang magandang babae na katabi nila pero hindi iyon si Ms. Carla. Maraming beses kong inilipat ang mga larawan at bawat isa rito ay dumudurog sa 'kin. Mga nakangiting picture iyon ni Gray kasama ang anak niya at minsan pa'y kasama ang babaeng asawa niya.

"She can't be Gray's daughter.." bulong ko sa sarili na akala ko'y ako lang ang nakarinig.

"You know Gray?" Ngayon, naniniwala na ako, naisip kong bihira lang ang mata ni Kris. Siguro kung magkakaroon ito ng batang kamukha niya ay iba ang magiging kulay ng mata nito.

Nang hindi ako sumagot kay Ms. Carla ay hindi na rin ito nagtanong pa. Ibinalik ko na rin ang laptop nito sa kanya, nakita ko pa ang flashdrive niyang pula na may nakalagay na Rodrigo sa tali nito.

"I know napamahal ka na sa bata but you have to do the right thing" bilin nito sa 'kin. Tahimik pa rin ako habang nag-iisip, paano na ako kapag nawala ulit ang batang inalagaan ko ng ilang buwan?

Sa kakaisip ko kung ano ng gagawin ko sa buhay ko ay hindi ko napansing nakalapit na si Ms. Carla kay Kris.

"Kris?" sabi nito habang nakaluhod para pantayan ang nakaupong si Kris sa sofa. "Do still remember me?"

Tiningnan muna siya ni Kris at nagulat naman ako when she cupped Ms. Carla's face. "Carly" nakangiti niyang banggit sa pangalan nito. Ngumiti naman si Ms. Carla at niyakap ito. Siguro ay mahal na mahal nito si Kris at close na close sila dati.

Nag-usap muna sila saglit at bumalik sa 'kin si Ms. Carla. Nagtataka man dahil lumuluha si Kris kanina ay itinuon ko na lang atensyon ko nang umupo siya sa harap ko. May isinusulat siya sa maliit na papel at nang matapos siya ay iniabot niya iyon sa 'kin.

"Address ng parent ni Kris" sa isip-isip ko ay bakit hindi na lang siya ang maghatid doon. "Gabi kasi ang dating ni Gray sa bahay niya and mamayang gabi rin ang flight ko to Cebu kaya hindi ko maasikaso si Kris" pagpapaliwanag niya. Tiningnan ko naman ang nasa papel, 'yon pa rin pala ang address niya. "Paano nga pala napunta sa 'yo si Kris?" tanong nito.

"Hinatid siya ng matandang mangingisda sa resort sa Cebu kung saan nagtatrabaho ang kapatid ko. Ang alam ko apo niya si Kris dahil may anak siyang kinakasama ng foreigner dati" tumango-tango siya sa 'kin. Bahala siya kung hindi siya maniniwala, hindi rin naman ako nagsisinungaling eh. "Ang sabi ng matanda, hindi niya kayang buhayin si Kris, sugatan 'yong bata nang tanggapin ko. Natakot kasi ako baka hindi ito maalagaan ng maayos at maimpeksyon" dagdag ko pa.

"Five months ago ay naaksidente sila Gray sa dagat.. 'yon marahil ang dahilan kaya napunta ang bata sa mangingisdang sinasabi mo" tumango lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin.

"Kung tutuusin ay dapat saglit lang maipahanap si Kris, pwede namang ipa-TV or sa social media pero hindi pwede dahil magiging delikado ang buhay ni Gray" hindi ko naman tinatanong ang bagay na iyon pero bigla akong nacurious at naging interesado. "Kapag nalaman kasi ng mga grandparents sa side ng wife ni Gray na nawawala si Kris ay pababagsakin nila si Gray or worse ay ipapatay, mahalaga kasi sa mga iyon ang panganay na apo" dugtong niya pa. Sino ba kasi 'yong asawa nitong si Rodrigo?!

Naiinis na nasasaktan man ay pinilit kong ngumiti sa kaharap ko. "Don't worry, I'll return Kris to her mother" pag-aassure ko rito. Itatanong ko pa lang sana kung sana kung sino ba 'tong asawa ni Gray pero may tumawag naman sa cellphone ni Ms. Carla at maya-maya'y nagpaalam ito na kailangan na niyang umalis.

"Ayaw kong bumalik sa mama ko" bulalas ni Kris na naging dahilan para igilid ko ang kotse. Mahaba ang nguso nito at parang maluluha pa. "Gusto ko sa 'yo lang ako mie" at doon ay naluha na siya, maging ako rin. Pero naisip ko si Gray kapag hindi ko pa ibinalik ang anak niya.

"Bakit naman gusto mo sa 'kin?" tanong ko habang hinahagod ang likod niya.

"Kasi sabi sa 'kin ni 'nay Aida, yung anak ni 'tay Imo.. Gru doesn't love me.. kung mahal daw ako nun, hahanapin niya ako" tuluyan na siyang humagulgol, iyon pala ang dahilan kaya ayaw niya nang bumalik. Ang tinutukoy niya ay iyong mga dating nag-alaga sa kanya, 'yong mangingisda at ang anak nitong masama ang ugali.

"Hindi totoo 'yan, hinahanap ka ng mommy mo at mahal na mahal ka nun. 'Cause you know what? Walang nanay ang walang pakialam sa kanilang anak.. hmm?" pag-aassure ko pa rito. Kung alam lang ni Kris ang dahilan kung bakit matagal siyang nahanap ng mama niya.

"But I wanna be with you..." bulong niya habang patuloy pa ring umiiyak.

"Sa ayaw man at gusto natin maging magkasama Kris ay hindi pwede. Dadalawin naman kita palagi eh" I lied, dahil ko alam kung madadalaw ko pa ba siya. Hindi ko yata kayang makita ng buo ang pamilya ni Gray na magkasama. Dahil sa picture pa nga lang ay dinudurog na ang puso ko eh.

Matapos naming mag-usap ni Kris ay umuwi na kami. Mag-iimpake na naman uli ako ng mga gamit ni Kris, kung dati ay dahil luluwas lang kami, ngayon naman ay dahil babalik na siya sa tunay na nagmamay-ari sa kanya.

----

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon