Skate-20

9K 281 32
                                    

Gray

Kakababa lang namin sa bangka, dala ko yung gamit ni Ali, konti lang naman kasi yung bitbit ko eh. Prutas lang tsaka yung backpack ko.

"Guys matulog muna tayo once we get our keys aah?" Red announced and natuwa naman ako, 10am palang naman at kulang yung tulog ko dahil 5 ng madaling araw kami bumyahe kanina.

"Uhm Red asan yung tutulugan? Wala namang mga kwarto dito eh" tanong ko, isang malaking bahay lang kasi ang nakikita ko, walang building for guests, akala ko ba island resort toh?

"Dun yung kwarto sa mansion na yun. Bago palang kasi aayusin tong isla kaya wala pa yung inexpect niyong kwarto lang" paglilinaw niya.

"Aaah..." sabi nila Elle at tumango-tango pa.

"1 room, two beds daw pala tayo so pick your partner" sabi ni Red at hinila ko naman si Ali. Pag si Francia ang partner ko ay sisitahin lang ako nun dahil ang kalat ko daw.

Tiningnan lang ako ni Elle kaya nginitian ko nalang siya.

"Bakit ako hinila mo?" Bulong sakin ni Ali.

"Gusto ko eh"

"Pwede namang si Fra" ba't ba lagi nalang niya ko tinutulak kay Frans?

Kahit dati nung nagsisimula palang kami ni Frans ay panay na ang tulak niya sakin. Yung tipong magpapalit sila ng upuan o di kaya papalipatin niya 'ko ng upuan at kunwari ay mag-uusap sila nung katabi ni Frans.

"Yo'ko, gusto ko ikaw" sabay akbay ko at naglakad patungo kila Red.

"2nd floor yan aah? Tapos dyan ata yung 3 beds" Sabi ni Red kila Elle, Liz at Frans.

Si Frans ang kumuha ng susi at nagsmirk sa dalawa at winagayway yung susi.

"Sa labas kayo matutulog" sabi ni Frans sa dalawa at tumakbo na sa taas kaya hinabol siya ng mga ito.

Sumunod namam kaming lumapit kila Red at Ayah.

"Hmm... ba't kayo magkasama?" tanong ni Red.

"Eh ba't magkasama din kayo?" Balik tanong ko. Bahala na si Ali magkwento ng nakakahiyang ginawa ko kanina.

"Pilosopo kang bata ka, bakit nga?" usisa pa ni Red.

"Bati na kami ni Ali tapos nagkiss kami"

*pak!

"Aray! Inaano ka ba dyan? Never pa kitang binatukan aah... sakit" sabi ko hinimas himas yung batok ko.

Siya naman ay namumula na at nakasimangot sakin.

"Kainis ka, tama bang sabihin mo yun?"

"Eh totoo naman eh"

"Kayo na?" Sabay na tanong ng magjowa.

"Ayaw niya eh" ako ang sumagot at kiniga niya naman yung batok ko.

Shit ang init ng kamay niya at bumabakat pa yung kuko niya!

Feeling ko nanigas lang ako sa habang nakataas yung balikat ko at iniipit yung kamay niyang mainit at malambot.

"Oh eto na yung susi, Alice tigilan mo na yang si Gray, namumula na yung batok niya oh" thanks Ayah, pero kailangan ko talagang pumuntang cr mamaya. Na-aarouse ako, sabi ko naman dati na wag niya na akong sasakalin eh.

"Akin na nga, ikaw Gray tumigil ka ha?! Kundi sobra pa dyan gagawin ko sayo!" Ayaw ko na, di na ako uulit!

"O-oo" sabi ko at umiwas ng tingin. Feeling ko ay ang laki nanaman ng pupils ko.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon