Skate-48

5.7K 246 9
                                    

Alison

It's past 10pm and hindi pa rin ako makatulog, i'm here in Gray's room kasama si Kris. After kasi ng lakad namin kahapon ay dito ako nagstay dahil kay Kris. Napag-usapan din namin ni Gray na habang wala pa siyang nahahanap na yaya sa bata ay ako muna ang magbabantay since hindi ko pa rin naman nahahanapan ng siguradong buyer ang unit ko, tinanggap ko iyon for Kris kasi 'di ko pa siya totally kayang i-let go, pupunta ako rito sa bahay nila sa umaga and uuwi naman kapag nandito na si Gray para bantayan siya. Pero ang taong 'yon, kakastart pa lang ng agreement namin ay hindi na tumupad, I called her several times at hindi man lang sumasagot. Hindi ko rin maiwasang mag-alala kung ano ng nangyari sa kanya lalo na't hindi ko siya macontact.

I decided na lumabas na lang sa kwarto, baba sana ako pero nang makita ko ang pinto na katapat na kwarto ni Gray ay may nag-uudyok sa 'kin na buksan iyon, buksan ang supposedly na kwarto ni Chasney. Nanginginig pa akong hawakan ang door knob niyon pero kinaya ko at nang makapasok ay agad kong binuksan ang ilaw.

Sky blue na pader ang bumungad sa 'kin pati ang pink na kama at crib, malinis at walang pinagbago ang ayos ng kwarto, kung ano ang inalisan ko noon ay gano'n pa rin. Pati design na iba't-ibang hayop na iginuhit at pinagtalunan namin noon ni Gray ay hindi man lang nabura. Maybe pinreserve niya 'to in memory of our child. My tears started to rush down in my face as our memories does.

"Wifey, draw tayo sa walls ng animals. Ako lang magpipintura" masayang sabi niya at nagtaka naman ako kung para saan iyon.

"Saang walls?" marami kasing walls dito sa bahay, malay ko ba kung sa mga kwarto o yung sa bakuran ang tinutukoy niya.

"Sa kwarto ni baby" she giggled after niya sabihin yung baby, she even massaged my tummy at ngumiti sa 'kin.

Nag-isip ako saglit, wala naman kasi kaming napapag-usapang ihihiwalay namin si Chasney ng kwarto. "may sariling kwarto si Chasney?" tumango siya and smiled widely na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi naman natin siya ihihiwalay agad eh, but she needs her own room. Masyadong makalat ang kwarto natin for baby and I feel like I wanna paint her room later" she then smiled again at parang naeexcite na. She seems imagining things dahil titingin siya sa ceiling na parang bata tapos ay haharap at titingin sa 'kin bago ngingiti. Kaya after namin kumain ay hinila niya agad ako sa kwartong katapat ng kwarto niya, dating mini library iyon pero ngayon ay malinis na. She gave me pencils and let me choose kung saan ako magsisimula.

"Sa right ako" paalam ko sa kanya at tumango-tango naman siya.

"Okay, total lagi ka namang right" sabi niya ng may diin sa huling sinabi na ikinairap ko.

"Gray ha.." warning ko at pinaningkitan siya ng mata pero ang loko ay tinawanan lang ako.

"Dito ako sa center" sabi niya at pumunta sa gusto niyang pwesto. "Total ako naman sentro ng buhay mo eh"

"Wow ha" agad kong react sa pick-up line niya. Ang kapal kasi ng mukha.

"Bakit hindi ba?" Confident niyang tanong na ikinaikot muna ng mata ko bago nagkunwaring nag-iisip, I even hummed para mas nakakaasar sa kanya. "Ali naman eh..." yumakap siya sa 'kin mula sa likod na ikinatawa ko lang.

"dalawa na kasi ni baby eh" sabay kinuha ko ang kamay niya and run her hand up and down on my tummy.

"Sa puso mo na lang" hirit niya pa habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Opo sa puso ko, ikaw lang" she turned me to face her and kissed me, bumaba rin siya sa tummy ko para halikan iyon.

"I love baby" sabi niya at tumayo na ng maayos. "I love you wifey" nagrespond din ako sa sinabi niya and after niyon ay nagstart na kaming gumuhit. After a few minutes ay sinilip ko ang gawa ni Gray at halos gusto ko sa kanyang itusok ang lapis ko.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon