Skate-25

7.8K 248 12
                                    

Alison

Mainit ang ulo kong lumabas ng computer room dahil nahide lahat ng files na importante sa flashdrive ko, haaist! Kanina pa ako minamalas sa araw na 'to, first natapunan ako ng Athene na yun ng milkshake niya, ewan kung sinadya niya o ano, then napagalitan pa ako ng prof ko dahil almost 30 minutes akong late and now! yung flashdrive ko naman. Grrr! Wala na bang imamalas tong araw na 'to?!

"Alice!"

"L-Liz ikaw pala?" pilit akong ngumiti sa kanya para itago yung pagkainis ko sa araw na 'to. Nakakahiya naman dahil ang bait niya tapos ako parang papatay na ng tao.

"Samahan mo naman ako oh, bili ng gamit sa nbs" nakangiti niyang sabi, ako naman ay hihindi na sana nang sundan niya pa yun ng pagpuppy eyes at pleeeease niyang napakacute na kahit isang dyosang kagaya 'ko ay hindi makakatanggi kaya in the end ay pumasok na ako sa kotse niya at nagrelax.

Sa kanilang tatlo nila Gray ay siya ang may pinakasimpleng kotse, kila Elle at Gray kasi ay sports car pero si Liz ay 4 seater lang pero malinis at mabango naman.

Pagkarating namin sa parking lot ay nagulat naman ako ng biglang lumabas si Liz na parang gulat na gulat.

"Shit si Gray!" Tiningnan ko kung san siya patungo at nakita ko naman ang kawawang lalaki na sinipa ni Gray.

Yung kasama ni Gray ay nakatayo nalang sa isang basag na basag na kotse at pinapanood siya. Malamang dahil kasabwat siya nito.

Kita kong ipinulupot ni Liz ang kamay niya sa ulo ni Gray para takpan yung mata nito.

"Sssshh... it's okay, wala kang ginawa" kunsinti niya pa rito. Ako naman ay naguluhan. Seriously? Halos patayin niya na yung lalaki kanina tapos yun pa yung sasabihin ni Liz.

"Sssshh... Liz is here, I'll never leave you" sabi niya pa habang yakap na si Gray na ngayon ay lumuluha.

"Gray.." tanging nasabi ko nalang habang pabalik balik yung tingin ko sa kanya at kila Edward at Jay.

-

"Alice hoy! Kanina pa kita kinakalabit"

"Uhm... sorry Liz, bakit ba?" hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatulala, si Gray kasi eh.

"Si Gray?"

"Nauna na eh" malungkot kong sabi.

Feeling ko ay ang sama sama ko dahil sa nasabi ko kanina lang.

"Nahulog kasi 'tong phone niya kanina dun, ikaw na magbalik may lakad kasi ako bukas since weekend naman. Bye!" magrereklamo pa sana ako sa sinabi niya pero tumakbo na siya.

Bakit ba lagi nila akong iniiwan!

And wait! Pano ko ibabalik 'tong gamit niya kung ayaw niya na akong palapitin sa kanya?

Ba't ko ba kasi sinabi yun?

"Hoy si Gray?" Lumingon naman ako sa nagsalita sa likod ko. Yung kasama pala 'to ni Gray kanina, Blue ata pangalan niya.

"Nauna na eh"

"You should thank Gray" saka siya naglakad palayo. Tatawagin ko pa sana siya kaya lang hindi ko gusto yung timpla ng mukha niya, walang emosyon at parang ayaw kang kausapin.

You should thank Gray

Ang gulo naman!

Wala naman kasing ginawa sakin si Jay eh.

Si Liz naman ay bigla nalang akong iniwan, kala ko ba magpapasama yun?

-

"Ate ba't dito ka?" Bungad sakin ng kapatid ko.

My Skater Girl (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon