Prologue

549 9 0
                                    

"Genesis!"

Napalingon ako kay Santi. Nanliit ang mga mata ko nang nginuso niya ang isang kotseng nasa labas ng gym. Hindi ko napigilan ang malawak na ngiti ko nang malaman kung kanino iyon. Alam kong sa kanya iyon. Alam na alam ko.

Inilapag ko ang mic na hawak-hawak ko sa malaking speaker sa gilid.

"Trinity, saglit lang ha," pagpapaalam ko sabay turo sa Colorado na naka-park sa labas. Tumango siya at nag-ngising aso.

"Sige, may nagpeperform pa naman. Pero dalian mo ha!" sigaw niya kasabay ng malakas na tugtog ng mga sumasayaw na youth.

"Oo!" sigaw ko at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan. Nang nakalabas ako ay agad kong nilapitan ang sasakyan. Kinatok ko ang bintana at tama nga ako sa hinala ko nang ibinaba niya iyon.

"You came!" Malawak ang ngiti ko kay Job kahit na tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Kahit na tipid na ngiti lang iyon... Sobrang kaba ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung kaba ba 'to o iba pang bagay.

Umatras ako para makababa siya ng sasakyan niya. Pinatunog niya ang sasakyan niya. Nang humarap siya ay mas lalong kumabog ang dibdib ko.

"Wala naman akong ginagawa," sabi niya. Apat na salita... Apat na salita lang pero parang kinantahan na niya ako. Ang sarap pakinggan...

Hinawakan ko agad siya sa kamay at hinila papunta sa loob ng gym. Narinig ko siyang mahinang tumawa. Mahina lang iyon... Pero sa kabila ng malakas na ingay dito sa loob ay pagtawa lang niya ang narinig ko.

Tumigil kami sa likuran ng nagkukumpulang mga kabataan na nanonood sa mga sumasayaw. Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero hindi niya binitawan ang daliri ko. Isang daliri ko lang ang hawak niya ngayon... Pero pakiramdam ko ay buong pagkatao ko na ang hawak-hawak niya.

Tinignan ko siya. Madilim ang paligid pero parang lumiwanag nang makita ko ang perpekto niyang mukha. Ngumiti ulit ako.

"Enjoy this night, Job. You will never regret this."

Tumingin siya pabalik sa akin at tipid na ngumiti. Ang kanina'y isang daliri lang ay naging buong kamay ko na ang hawak-hawak niya. Mas lalong nagwala ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito.

Maya-maya'y nagpalakpakan na silang lahat. Pinanuod namin sina Trinity at Santi na nagsi-set up ng banda sa stage.

"Maraming salamat sa inyong mga pumunta. You just proved to the people that us, youth, is not just a youth of the community, but also the youth of our God."

Naghiyawan ang mga kabataan at nagsipalakpakan. Mas humigpit ang hawak ni Job sa kamay ko. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang ginagawa niya ngayon...

Hanggang sa dumating na ang huling parte ng pagtugtog nila. Naghiyawan ulit nang itinaas ni Santi ang kamay niya.

"Gayahin niyo ako." Agad namang nagsitaasan ng mga kamay ang lahat, maging ako. Tinignan ko si Job pero hindi niya ginawa. Tahimik lang siyang nanunuod sa lahat, nakahawak parin ang isang kamay sa akin.

"Ikinahihiya niyo ba Siya?"

"Hindi!" sigaw namin at humiyaw.

"Then let's praise for Him. I want you to feel this song, sing this song in His Name, feel His love for us."

Agad kong ginawa ang sinabi ni Santi at hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko. His love for us... His love is really great. Marami akong napagdaanan, nandito parin Siya. Ramdam na ramdam.

Kahit na hindi ko na alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko, alam kong nandiyan Siya para gabayan ako.

Bahala na kayo, Lord. Alam kong may plano kayo...

Nagsimulang tumugtog ang keyboard. Iyon lang ang narinig namin. Lahat ay tahimik, nakataas ang kamay at nakapikit. Pero kahit iyon lang ang naririnig namin sa ngayon, alam kong maiingay ang lahat ng mga puso namin, nagsisimulang kumanta para sa Kanya.

Standing here in your presence
In a grace so relentless
I am won by perfect love

Sinabayan namin ang kanta at hindi ko alam kung bakit ang saya sa pakiramdam na nagkakasama kami para sa pagkanta sa Panginoon.

I'm wide awake, drawing close, stirred by grace
And all my heart is yours

Bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko si Job. Napadilat ako at napatingin sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Ngayon ay nakapulupot na ang isa niyang kamay sa bewang ko. Hindi niya ako tinignan at seryoso lang ang tingin niya.

And I was awed when he raised his hand and closed his eyes. I saw his lips moving with the lyrics. I felt his heart beating with life as the music filled up the room.

When I'm lost you pursue me
Lift my head to see your glory
Lord of all, so beautiful

Napangiti ako nang makita si Job sa ganoong lagay. Nangilid ang mga luha ko.

Job Emmanuel... you are now starting to believe again. Sinking deep.

Hindi ko napigilan ang pagyakap sa kanya. His body tensed, but in the end, he hugged me back. Mahigpit iyon kaya hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Naramdaman ko ang bibig niya sa tenga ko.

"Your love so deep is washing over me. Your face is all I seek, you are my everything ..."

Alam kong sumunod lang siya sa kanta. Pero hindi ko alam kung bakit iba ang naramdaman ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.

"You are my everything..." ulit niya.

Napapikit ako nang mariin sa naramdaman. At sigurado na ako kung ano iyon. Lord, let Thy will be done.

I'm falling for this man. Sinking deep.


----

May nilagay akong message doon sa "Sinking Deep" part. Pakibasa nalang. Hahaha may kausap ba ako? :)




Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon