Chapter 30

132 7 15
                                    

The Truth

Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak dahil sa nangyari bago ako makatulog. Paulit-ulit lang ang sakit na nararamdaman ko. It's like a cycle. You were hurt, then you cry to subside the pain. After you've cried hard enough, you will feel the pain again. And it goes on, and on, and on, and you're thinking when will this pain ends.

Crying... I thought crying will help me take the pain away. But I was wrong. It will just make the pain linger in my heart...

Iniisip ko. Saan ako nagkamali at bakit naging ganito kami?

Pumikit ako. Ayoko nang umiyak. Ayoko na.

Tumayo ako para pumunta sa CR. My eyes are puffy because of crying and I look like a trash. I heaved a sigh. Hindi ako kailanman naging ganito.

Ito ang ikinakatakot ko sa pagmamahal. Nasaktan ako, at simula nang masaktan ako ay matatakot na akong magmahal pa. Ang magiging depinisyon ko sa pagmamahal ay nakakatakot at nakasasakit, na kung tutuusin ay hindi naman talaga. This is why I'm very careful.

But I guess you are really destined to get hurt. Not that God is allowing us to suffer, but this pain might used by God to make us stronger and wiser.

I sighed again. I want to be that version of me. Stronger and wiser. But how? Where do I start now that I'm feeling like I'm on the ground zero of myself?

Naligo ako para maibsan ang sakit ng mata ko. Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako. Kapag nanatili ako sa kwarto ko ay maaalala ko lang ang nangyari kanina.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sinilip ko ang sala namin. Nandoon parin si Johnny, katabi si Beca at nakikipagkwentuhan. Nakikita ko ang ngiti sa labi ni Johnny. Napangiti ako. Ngayon, siya naman ang masaya. Ako, nasasaktan.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Iniwas ko ang tingin ko nang makita kong nandoon pala sina Nanay at Trinity, nag-uusap.

"Genesis," tawag ni Nanay. Hindi ko siya nilingon. Ayokong makita niya ako ng ganito kahina. I should be her strength now that she's sick. I feel guilty dahil hindi ko siya masyadong naaalagaan. Siguro, ito ang parusa sa akin. Masyado kong inuna ang sarili kong kaligayahan.

Napapikit ako pagtapos uminom ng tubig. I should really stop thinking about those things. I want to rest.

"Genesis."

Ngayon ay lumingon na ako kay Nanay. Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Tipid ko lang siyang nginitian.

"Umupo ka," utos niya. Sinunod ko naman iyon. Kaharap ko si Trinity na malungkot ding nakatingin sa akin.

Hinawakan ni Nanay ang kamay ko.

"Ikinuwento sa akin ni Trinity ang nangyari."

Tumango lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Hindi ko matignan si Nanay. Nahihiya akong maging ganitong kahina sa harapan niya.

"Alam mo ba, noong minahal ko ang Papa mo, hindi ako nagsisi. Kahit na alam kong mali. Kasi kung hindi kami nagkamali, wala ka ngayon sa mundo."

Tinignan ko siya, gulat sa pag-oopen up niya. Mapungay ang mga mata niya habang inaalala ang mga ginawa nila noon ni Papa sa likod ni Mama.

"Ito iyong pagkakamaling hinding-hindi ko pagsisisihan, Genesis."

"Nay..."

"Hindi ko na hinangad na makuha ka pa mula sa kanila noong kinuha ka ng Papa mo. Sa sobrang laki ng kasalanang nagawa ko, kahit na may parte sa kasalanan na iyon ang Papa mo, hindi ko na kakayanin pang kunin ka mula sa Mama mo. Kasi tanggap ka niya at minahal ka niya. Nang malaman ko iyon ay sobrang panatag na ang loob ko."

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon