Chapter 50

143 8 34
                                    

This is the last chapter. Thank you so much for reading Sinking Deep! I hope you'll support my other stories :)

Epilogue will be posted soon.

------------------------------

The End

"Nasaan ka!"

Napangisi nalang ako sa sigaw ni Trinity sa kabilang linya. Sino ba namang matutuwa kapag iniwan kang mag-isa ng kasama mong emcee sa program?

"Pauwi na," sabi ko. Matagal pa bago siya nakapagsalita. Alam ko kung ano ang iniisip niya.

"Hmmm... Magkasama kayo ni Job no? Nawala narin siya bigla eh."

Tinignan ko si Job na nakangiti pero nakatitig parin sa daan habang nagmamaneho. Ang isang kamay ko kung saan nakasuot ang engagement ring ay hawak-hawak niya.

Napangiti ulit ako at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Hinalikan niya iyon.

"Oo, magkasama kami," nakangiti kong sagot.

"Nagtanan na kayo no! Umamin ka!"

Ako naman ngayon ang natawa. "OA mo, Trins."

"Hmmm... Make kwento later ha!" sabi niya at tumawa. "Bilis! Tulungan niyo kaming magligpit dito! Bigla-bigla nalang kayong umaalis!"

Napansin ko ngang maingay sa kabilang linya. Siguro ay dahil nga iyon sa kakatapos na Youth Night.

"Sige, pabalik na kami."

"Sige! Mga petsum talaga kayo!" aniya at humagalpak bago putulin ang linya. Napailing nalang ako sa tinuran ng baliw kong kaibigan.

Napatingin ako ulit kay Job na hinalikan ulit ang kamay ko. Nakaramdamam ako ng init na bumalot sa puso ko.

Finally, we're together again.

"Kanina mo pa hinahalikan ang kamay ko," puna ko pero nakangiti parin. Hindi ko na mapawi ang sayang nararamdaman ko.

"Hmmm, hindi kita mahalikan sa labi eh." Tumawa siya. Umirap ako pero natawa narin. Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive hanggang sa makarating kami sa gym. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako.

He held my hand as we walk through the busy crowd. Everyone's eyes were suddenly on us. I didn't feel any nervousness. I just feel so proud that in spite of all the hardships, we are now here, walking with each other, sealed by our love.

"Petsum!" sigaw ni Trinity nang makita kami. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa kamay ko. Tinuro niya iyon. Maya-maya'y lumapit siya at hinawakan iyon. Rumehistro agad ang gulat sa mukha niya.

"Oh... em..."

"Uy, Job!" Dumating bigla si Beca na may hawak-hawak na garbage bag at nang makita ako sa tabi niya ay nagulat siya. "Oh! Okay na pala kayo?"

"Luh! Becs!" Tinampal ni Trinity si Beca sa braso at ibinalandra ang kamay ko kung nasaan nakasuot ang singsing.

"Luh!" sigaw ni Beca, gulat na gulat. Natawa nalang ako dahil sa reaksyon nila.

"Pwedeng makikain?" natatawang tanong ni Job. "Nagugutom na kami."

"For real? As in?" Trinity asked, ignoring Job's presence. I just nodded and smiled wholeheartedly. They squealed and hugged me so tight, I even lost my balance. Buti nalang ay naalalayan ako ni Job.

"Careful, girls. Papakasalan ko pa 'yan." Mas lalong nagtilian ang dalawa. Halos mabingi ako.

"Ang landi mo! Congrats!" Sabay sabunot ni Trinity sa akin. Niyugyog naman ni Beca ang balikat ko. Natawa nalang ako sa excitement nilang dalawa.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon