Chapter 15

138 7 15
                                    

I'm Here

Pati ang hamdesal na binili ko na kinain niya ay pinag-awayan pa namin. Okay naman na sa akin kung kinain niya. Ang hindi ko ma-gets ay kung bakit siya naiinis noong kinain na niya lahat ang hamdesal na iyon at hindi siya nabusog tapos sasabihin niyang "iyon lang ang kakainin mo dapat? Mabuti nalang, bumili ako. Dapat kumain ka nang marami palagi."

Ano naman sa kanya kung iyon lang ang gusto kong kainin? Gusto niya bang kumain ako ng isang buong lechon?

Hindi ko na siya maintindihan. Pero kanina ay napangiti ako dahil para siyang bata kung makapagmukmok. Naalala ko si Bran.

Pinainom ko nalang ulit sa kanya ang coffee na binili niya para manahimik na. Nakanguso parin siya habang nagmamaneho kanina. Napapailing nalang ako. Hindi ko talaga alam kung saan kami dadalhin ng sitwasyon namin. Kung ano man ang sitwasyon namin, kasi sa ngayon ay iniintindi ko pa. Lalo na't hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya.

Guide me, Lord. Ayokong makasakit.

At masaktan.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagtaka pa ako dahil pagkagising ko ay naka-incline na ang inuupuan ko at may nakapatong na kumot sa akin. Tinignan ko ang oras at nakita kong magi-8 na ng umaga.

"Good morning," bungad ni Job sa akin. Ininom niya ang kape na binigay ko sa kanya habang nagmamaneho. Bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Sleep some more, love. I'll just wake you up later. Alam kong mapapagod ka mamaya."

He called me love again.

"S-saan na tayo?" Hindi ko na pinansin pa ang naramdaman ko nang tawagin niya akong ganoon. Inayos ko ang upuan ko. At napatingin ako sa coffee cup na may nakasulat na Genesis. Napakagat ako sa labi ko. Iyon ba ang isa niyang binili kanina?

"Hmmm," aniya at tinignan ang oras. "I don't know exactly where pero alam ko less than an hour nalang, nandoon na tayo sa simbahan. Nakasunod naman tayo kina Trinity," sabay turo sa harapan namin. Nakita ko ang L300 na sinasakyan ng iba.

Humikab ako bago magsalita. Nakita ko siyang ngumiti.

"Malapit na pala tayo," mahina kong sabi. Bigla kasi akong nahiya.

"May aksidente kanina kaya medyo bumagal takbo ng traffic pero hindi naman tumagal," aniya. "Then I noticed that you fell asleep so I inclined your seat and put a blanket on you. Maayos ba ang tulog mo?"

Oh, no. Hindi ko naisip na siya ang nag-ayos ng upuan ko. Ano ang itsura ko habang natutulog? Hala!

"Uh," sabi ko at inayos ang mukha ko. Baka may muta ako o tumulo ang laway ko. Nakakahiya! "M-medyo. Salamat," sabi ko at pinunasan ang noo ko. Bigla akong pinagpawisan, ah.

"Are you hungry?" tanong niya. Napatingin siya sa akin kaya chineck niya ang aircon sa tapat ko. Naamoy ko ang pabango niya.

"Naiinitan ka ba?"

"N-no, it's okay. Uh, may pagkain pa ba diyan?" pag-iiba ko ng usapan at kahit na hindi pa naman ako nagugutom ulit.

"Meron pa sa likod. Kumain ka nang marami, 'kay?"

Napakagat nalang ako ulit sa labi ko. Why does he want me to eat a lot? Payatot ba ako?

Kinuha ko nalang sa likod ang biscuit. Ngayon ko lang napansin na dalawang plastic bags pala ng pagkain ang nandoon. Ang dami naman nito?

Baka hindi pa talaga siya nag-aalmusal? He's just drinking coffee. Baka sumakit ang tyan niya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon