Chapter 26

117 6 33
                                    

I changed Genesis' age when she became YOSP president. Typo 'yon. Dapat 18, hindi 15. Sorna. Hahaha.

---------------------

Explain

Isang buwan palang akong President ng YOSP ay halos maiyak na ako. Hindi ko kinakaya ang pressure. Handling the youth is not really easy. Hindi lang basta-bastang paghahawak sa grupo ang dapat kong gawin. Dapat ko rin silang tulungan sa ispiritual na aspeto, and I'm still working on that.

"Sige lang, mag-isip ka pa diyan Second nang pumangit ka. Para kami naman ang maganda," biro ni Trinity at humagikhik. Umirap ako.

"Parang hindi problemado, ah?"

"Ang problema, hindi prinoproblema!" sagot niya sa tanong ko at tumawa. Ginawa kasi siyang Vice President. Si Beca ay ginawang Treasurer. Biglaan ang lahat ng nangyari. Nag-migrate sa Canada ang President namin. Ang Vice President ay mag-aasawa na at ang Treasurer ay mas pinili na ang career sa ibang bansa. One month lang  ang ibinigay bago ang turnover kaya ngayon ay halos mabaliw kami sa adjustments at panibagong tasks as leaders.

Bata pa kami kumpara sa mga pinalitan namin. They were matured enough to handle the group while us, we just turned 18 this year.

"Ah!" sigaw ko at sinapo ang ulo. Nahihirapan akong gumawa ng calendar of activities para sa susunod na taon.

"Sinasarili mo kasi. May YOSP Bataan at Caloocan kaya. Duh."

"But I should already make a proposal, 'di ba?"

"Relax kasi!"

Napapikit ako at napabuntong hininga. Sinarado ko ang planner ko. Tama. Hindi ko kailangang mapressure. Matutulungan kami ng iba at may Spiritual Director ang grupo.

Huminga ako nang malalim. It is not my choice to be an overthinker, alright. I'm born like this. Everything should be done according to my schedule. Everything should have back-up plans in case the primary plan fails. And everything has its own reason. Kapag may nakikita akong kakaiba, inaalam ko kung bakit kakaiba iyon.

I'm already 18 and I see some differences on my surroundings. Hindi pwedeng ipagsawalang-bahala iyon.

"Kain tayo mga neng. Bukas na 'yan," suggestion ni Beca. Tumayo na ako. Tama. Gutom lang 'to.

"Second."

Napalingon ako kay Kuya Cardo. Napangiti ako. Now he's here! May dala kaya siyang magandang balita?

"Ano, Kuya? Nasaan na?"

"Nandoon ho sa sasakyan."

Tumango ako at tinignan sina Beca. "Saglit lang. May titignan lang ako."

Sumunod ako kay Kuya Cardo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero kahit ganoon ay gusto ko ng makita iyon. Pagdating namin sa sasakyan ay ibinigay niya sa akin ang envelope. Binasa ko iyon nang mabuti.

"Imposible ho talaga ang sinasabi niyo, Ma'am."

Binasa ko lang ang mga DNA tests na pinagawa ko. All of them are positive. 

Bumuntong hininga ako.

Habang lumalaki ako ay hindi ko maiwasang magtaka sa mga nakapaligid sa akin. All these people  are asking why are we named like this. The people are asking why we have different eye colors. All these securities. And I know, there's still something we don't know.

I did some researches. I asked someone to investigate everything about my family but the results defy my instincts.  At itong DNA tests naming lahat ay mas nagpahina sa idea ko na hindi kami tunay na anak nina Papa.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon