Chapter 47

110 3 45
                                    

The Faithful

"Shawn."

Hinawi ko ang buhok ko nang sinagot ang tawag sa cellphone. Bumuntong-hininga siya nang marinig ang boses ko. Napahilot agad ako sa sentido ko sa litanya niya.

"Let me just..." I said after he's done talking "...rest first."

He sighed. "Okay. Call me later please?"

"I'll try, Shawn. Pagod ako. I'm sorry."

He sighed again. "I understand, Second. I just want to check on you. I miss you."

I bit my lip. "Okay. I'll end the call now."

Hindi ko na hinintay ang sinabi niya. I don't want to talk to anyone right now. I just want to go home and rest. Tinignan ko lang si Third na inilalagay ang maleta sa cart.

"Let me," aniya.

Tipid ko lang siyang nginitian at hinayaang ilagay ang maleta ko sa cart na tulak-tulak niya. Even with my aviators on, I could see his tired eyes. It is because both of us don't have enough rest.

"Thank you," sabi ko at hinilot ulit ang sentido. Sumasakit na ang ulo ko. Inakbayan niya ako kaya napangiti ako kahit papaano. Nilingon ko ang paligid habang naglalakad kami. Baka nandito na ang sundo namin.

"Shawn?" tanong niya. Tumango lang ako. Ngumisi siya.

"What's the real score, Ate?"

Sumama ako kay Third para manirahan sa Paris. Nakilala ko si Shawn doon. Mahigit isang taon kami ni Third doon para sa business na itinayo niya at kasosyo niya si Shawn. He's a friend of my brother and he eventually became my friend also. He's always been there for me when I needed someone. He helped me alot, especially on handling the business. He didn't let me feel that I was alone. He's a good man.

Hindi nalang ako nagsalita sa tanong ni Third. Alam naman nila kung ano ang meron kami.

"Where is that little piece of trash..." bulong niya nang hindi ako sumagot. "Oh! There she is. Hoy!"

Umalis sa pagkakaakbay sa akin si Third para salubungin ang kakambal niya. Nagyakapan ang kambal at nagtawanan. Napangiti ako. They missed each other, for sure, although Fourth visited us last month and although they always check on each other. There is a really strong connection with twins that we cannot define with words. Only them could explain and understand that.

"Ate!" Sigaw niya. Sinalubong ko ng ngiti at yakap si Fourth. Hinalikan niya rin ako sa pisngi. Tinanggal ko ang aviators ko para mas matignan ko siya. Ngumisi siya nang malawak.

"You're getting prettier and prettier everyday!"

Tumawa ako. "And you, too! I miss you, Fourth."

"I missed you, too, Ate! Tara! Uwi na tayo!"

Nagsilapitan naman ang mga bodyguards na dala ni Fourth para kunin ang mga maleta namin ni Third. Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa sasakyan. Nag-aasaran na naman ang kambal, katulad ng palaging nangyayari tuwing magkasama sila.

"How's the restobar, Third?" tanong agad ni Fourth nang makapasok na kami sa Evoque. Isang bodyguard ang kasama namin sa loob at nakaupo siya sa harap, kaya kaming tatlo ang magkakatabi sa likod.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Third at ipinikit ang mga mata. Ang sakit na talaga ng ulo ko. Hindi pa man kami nakakabawi ng tulog dahil sa sunud-sunod na event na hosted ng bar namin ay umuwi na agad kami sa Pilipinas.

"Unti-unti na siyang nakikilala sa Paris. Naiisip kong i-adapt sa mga restobars natin dito ang mga ginawa namin doon."

"Hmmm, that's a good idea. Pero iba ang lifestyle ng mga French. Baka hindi pumatok dito sa Pilipinas. Besides, lahat ng tao ang market natin, Third. Right, Ate?"

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon