Chapter 49

148 6 52
                                    

You will read something familiar in this chapter. Baka hindi niyo na nga basahin pero please, basahin niyo. Hahahaha

Ps. Medyo mahaba. Sana po pagtyagaan nating basahin. Hahahaha

-------------------------------------------------

The Test

"Salamat sa tulong ninyo," anang isang Passionist brother. Nginitian ko sila.

"Walang anuman po. Masaya kaming nakatulong kami."

"Salamat nang marami. Aalis na kami."

Ngumiti ulit ako. "Here's my calling card. If you need any help, pwede niyo po akong lapitan."

"Ay naku, totoo 'yan mga brothers. Mayaman 'to," pagbibiro ni Trinity at tumawa. Natawa nalang kaming lahat. Kahit kailan ay maingay talaga 'tong si Trinity. Wala atang nakakapagpatahimik dito.

Umalis na ang mga brothers. Sumama rin si Father Edward sa kanila. Umuwi na kami ni Trinity para makapaghapunan. Nakakapagod pero kahit pagod ako, hindi parin matanggal sa utak ko ang mukha ni Job kanina habang kinausap ko siya.

Naduwag akong kausapin siya tungkol sa kung ano ang nangyari sa amin noon kaya hindi ako tumanggi sa ideyang ako ang magyaya sa kanya. Dahil kahit papaano, kahit doon nalang sa paraang iyon ay makausap ko siya.

The timing is just wrong.

Kahit saglit ko lang siyang nakasama, nakaramdam ako ng pagbabago. Something has changed in him. He got more intimidating and authoritative.

I hope he is still my Job.

"Alam mo, buti ako ang nagdrive. Kasi kapag hindi, malamang nakikipag-kape na tayo kay San Pedro ngayon."

Napatingin ako kay Trinity na nagmamaneho pauwi sa kanila. She glimpsed at me.

"Wagas kung makatulala?"

"Pagod lang ako."

"Sus!" aniya. "Huwag mong isipin 'yong ginawa ni Job kanina. Sinasabi ko sa'yo, Genesis. Miss ka non. Galit-galitan lang 'yon."

"Tss. Gaano ka kasigurado?" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

Natawa siya at iniliko na ang sasakyan sa kanto kung saan nandoon ang bahay nila. Nakita kong bukas na ang pintuan ng bahay nila.

"Neng, halos araw-araw nasa bahay 'yon." She said matter-of-factly.

Alam ko! Alam ko 'yon! Kailangan bang sabihin iyon ulit? Sa harapan ko?

"So?" I spat. She sheepishly smiled.

"Sus. Selos siya."

"Ano'ng nagseselos ka dyan?"

"Bakit, hindi ba? Palagi siyang nasa bahay. Kulang nalang maging mag-jowa kami!" Pang-aasar niya. Uminit ang ulo ko.

"May gusto ka ba kay Job?" Mariin kong tanong. Humagalpak siya.

Umirap nalang ako ulit at naunang bumaba sa sasakyan ko pagkatapos niyang iparada iyon. Tuluy-tuloy akong pumasok sa bahay nila. Naririnig ko siyang tumatawa parin na parang baliw.

"Tawa ka nang tawa diyan, para kang na-nuno!" saway ko.

"Palaging umiinom 'yon kapag pumupunta siya dito. Ka-textmate ko pa kapag hindi kami magkasama," sagot niyang wala namang kinalaman sa kakasabi ko lang.

"Alam ko. Wala akong pakialam."

Nakakainis!

Natawa siya ulit at sumandal sa pader. Inirapan ko siya. Akala niya ba'y nakalimutan ko ang mga pinagkukwento niya sa akin noon kahit na wala akong pakialam?

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon