Chapter 48

110 5 39
                                    

The Choice

He's been faithful.

Iyon ang paikot-ikot sa utak ko habang nagmamaneho pauwi. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. He's been faithful and I was not. I used other man to forget him, while him, he decided to wait for me. 

All he did is to love me. And me? I am ruining him. Not only Job, but also Shawn.

I hate myself for what I have become. This is not the Genesis, nor the Jennery that everyone, even myself, knows. 

I ruined myself by ruining the people around me.

Nang makarating sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Nagulat ako sa nakita pagpasok ko.

The floor of my room was full of pink and white balloons. Those were scattered everywhere. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa kama ko na itinatali ang lobong may hangin na. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita. There was also a bouquet of red roses and a huge teddy bear on the couch.

Nagulat ako nang pumutok ang lobong hinihipan niya.

"Shit," bulong niya at hinimas ang pisnging natalsikan ng lobo. Kumuha siya ulit ng lobo sa lapag at binomba iyon ng hangin. Hindi ko maiwasang maiyak.

Nasasaktan ako sa nakikita ko. All these efforts... and I could not even love him back.

"Shawn."

Napatingin siya sa akin pagkatapos ay napatayo bigla. 

"Ah! Hi!" Natataranta niyang kinuha ang mga bulaklak at lumapit sa akin. Gumalaw at humawi ang mga lobo nang naglakad siya. Ngumiti siya nang malawak at nakita ko agad ang dimple niya, pero nawala rin agad iyon nang makita akong umiiyak.

"What's wrong?"

Umiling lang ako at umiyak. Shawn is a good man. Hindi siya mahirap mahalin. Pero kahit anong gawin ko, si Job parin talaga ang mahal ko. Kahit na sobrang sakit ng nagawa niya sa akin at sa mga kapatid ko. Kahit na nagsinungaling siya. Mahal ko parin siya. Mahal na mahal. At hinding-hindi ko na siya makalimutan.

"I'm sorry, Shawn," hikbi ko.

I looked at him and his eyes were full of concern. My heart throbbed in pain.

How could I break his heart with lesser pain?

He wiped my tears away and gave me a chaste kiss on my lips. Bahagya akong nagulat doon. Sanay na siyang gawin iyon sa akin. Maaaring nasanay narin ako kaya hindi ko pinapansin iyon. I was too broken to even mind those gestures. Pero ngayon... Ngayong tinanggap ko na ulit sa sarili ko na mahal na mahal ko parin si Job ay maling-mali na ang magpahalik ulit ako sa iba. 

He sighed. "Babe... I'm sorry, okay? Kasi iniwasan kita pagtapos nung pag-uusap natin. Hindi sana kita pinilit. Nasaktan ako, oo. Pero hindi ko pala kayang layuan ka. I'm sorry. That's why..." he said and gave me the flowers. "Here. I hope you like my little surprise."

I smiled bitterly. Ako ang may kasalanan, pero siya parin ang humihingi ng tawad...

"Ako ang dapat humingi ng tawad, Shawn. Alam mo 'yan."

He looked away and his jaw clenched. His Adam's apple protruded before looking back at me. "Bati na tayo?" He sighed and smiled. I know he's faking it. "Please?"

Alam kong alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung paano ko ito tatapusin.

Tumango lang ako at niyakap siya nang mahigpit. I'm really sorry, Shawn. Please forgive me.

He kissed my temple and smiled. "I prepared dinner for us. Wait here."

Lumabas muna siya sa kwarto. Hindi naman nagtagal ay pumasok ang dalawang kasambahay namin dala-dala ang pagkain at ang bote ng wine. Inilapag nila iyon sa lamesa sa loob ng kwarto ko.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon