Chapter 46

106 5 43
                                    

The Beginning

"I thought you're not coming."

Inayos ko ang pagkakatupi ng sleeve ng button-down long-sleeved polo ko nang makaupo na ako. I'm still irritated. That reckless driver could have been in an accident in no time. Wala akong pakialam kung masira niya ang sasakyan ko. Ang akin lang, sana ay mag-ingat siya, lalo na't may kasama siya.

If he wants to kill himself, he should do it alone. Hindi 'yong nandadamay siya.

Nag-igting ang panga ko sa naalala. Bumuntong-hininga ako.

"I told you I'm coming," sabi ko nalang kay Remelly. She just shrugged and talked to Sandro. The Rodrigo's are all here. It feels so new again that all of us are here in a special occasion. Ilang taon narin noong huli akong nagsimba. 

I sighed when I remembered Haley. Simula nang makagawa ako ng kasalanan sa kanya at sa kambal ay hindi na ulit ako nagsimba. Bigla akong nawalan ng paniniwala sa Diyos. Lahat ng pinaniwalaan ko ay sumalungat sa akin.

The Lord will always be with you, huh? Then why did He leave me when I needed Him the most? Where is He right now?

Nilingon ako ni Bran na nasa harapan ko pala nakaupo. Kumaway siya at ngumiti nang malawak. I made a face at him that's why he laughed so loud. 

"Sshh," saway ko pero nakangiti. Lumingon si Sabinna sa akin at umirap, lalo na nang itinaas ni Bran ang dalawang kamay nito na parang nagpapabuhat. Tumayo ako para kunin ang bata. Tinanguan ko si Miguel at nginitian ko naman ang katabi niyang si Arya. Nginitian ko rin si Ysa na kandong din ang anak niyang si Gavin.

"What?" ngiti ko sa pinsan ko. Umupo na ako at kinandong ko si Bran. "Don't you miss your dear cousin? I bought some Point9 stuff for you. Die-hard fan girl ka 'di ba?"

Narinig kong natawa si Terrence sa asar ko. Siniko naman siya agad ni Ysa. Ngumiwi si Sabinna.

"Ewan ko sa'yo, Emmanuel. Nandito ka na naman, kukulitin mo na naman 'yong bata."

"Huh?" I said and looked at Bran. I made a puppy look. "Kinukulit daw kita, Bran?"

"No," ngiti ni Bran kaya natawa ako. Napailing nalang si Sabinna. Natawa naman si Remelly na katabi ko.

"Inggit lang si Kuya kasi wala pa siyang baby," aniya. Si Sabinna naman ngayon ang natawa. Tumahimik nalang ako habang nakatingin kay Bran na nilalaro na ang cellphone ko.

"Uncle Job has babies! Me, Bran and Gavin!" reklamo ni Arya na nakadungaw na pala sa amin. I pinched her cheeks and smiled.

I suddenly thought of having a family. But then, with whom? I don't think I am capable of loving someone else. Yes, I am planning to let go of Haley. But then, am I still worth of anyone's love? Kapag iniisip ko palang na magmamahal ako, hindi ko na kaya. Natatakot akong makasakit ulit. At nakakapagod naring masaktan.

Nawala ako sa iniisip ko nang may tumunog na dambana. Nagsitayuan ang mga tao kaya sumunod ako. Nagsimula silang magdasal. Tumahimik nalang ako at tumingin sa paligid katulad ng nakagawian ko noon. Lahat ay tahimik. May ibang nakapikit at nakaluhod. 

Bakit ganoon? Ang dami paring naniniwala Sa'yo, matapos mo silang saktan? 

Papaniwalaan pa ba Kita?

Iginala ko nalang ang mga mata ko kaysa pakinggan ang dasal. I smirked when I saw some girls looking at me. I looked around and I saw a familiar face standing at the back, together with the priests.

My heart suddenly stopped beating. Damn, that face. How could I forget?

Nagtama ang paningin namin at halos mahigit ko ang hininga ko. I tried to stay calm as she looked at me. I know her. In my dreams, she always appears. From the moment I first saw her, to her crying image at the funeral of her siblings. Guilt suddenly hugged my soul.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon