Chapter 11

128 7 30
                                    

To Endure

Hindi parin naalis ang labi niya sa pisngi ko kaya hindi ko maidilat ang mga mata ko. Nakakalito. Nakakagalit. Nakakapanghina. Ayoko nito. Ayoko ng nangyayari. Ayoko ng nararamdaman ko. Ayoko ng nararamdaman niya para sa akin.

Ayoko.

"Job, let me go," bulong ko dahil parang nawalan ako ng lakas sa ginagawa niya. "Please."

"No," bulong niya at mas diniin ako sa sinasandalan ko. Mas napapikit ako nang mariin. This is too overwhelming I think I'm going to faint. I can even feel my knees trembling.

"Job, let me go," mariin kong ulit. Bahagya ko siyang itinulak pero mas nagsisi ako dahil tinitigan niya ako. Mapupungay ang mga mata niya. Para bang nagmamakaawa siya. Kumirot ang puso ko. Iniwas ko ang tingin ko at lumunok.

Itinulak ko ulit siya pero halos walang lakas iyon. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at para bang may dumaloy na kung ano mula sa mga kamay niya papunta sa mga kamay ko. Halos manginig ako sa nararamdaman. Hindi ko maintindihan...

Mas lalong nagwala ang nararamdaman ko nang halikan niya ang mga kamay ko. Gusto kong hilain pabalik ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. I don't know why my tears fell down my cheeks. 

"Job... Stop this madness."

"Maybe this is madness," aniya. "A madness that I'm willing to experience forever."

"No, Job. This is wrong."

So wrong. You don't know me, Job.

"Why?" This time, he looked at me. His hazelnut eyes turned into different shade. It's like his eyes were covered with sadness and frustration.

Umiling lang ako at hinila ang mga kamay ko. "This is wrong." Mariin kong ulit.

"You're not a nun anymore." He said. I shook my head again and pushed him. This time, he let me go.

"Genesis," habol niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Pinunasan ko ang mga luha ko. 

"Genesis, please."

Naglakad lang ako pabalik sa kinauupuan namin at hindi ko na siya nilingon pa.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko si Trinity na nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan ko. Napalingon siya sa akin, nakakunot ang noo.

"Gen! Here!" ani Johnny at iminuwestra ang bakanteng upuan sa tabi niya. Umupo na ako doon dahil nanghihina na talaga ang tuhod ko. Nakita ako ni Bran kaya lumapit siya ulit sa akin at nagpakarga.

"Ate Genesis, uhm hungry," reklamo niya.

"O-okay. What do you want?" tanong ko. Tumikhim ako. Palihim akong napatingin kay Job na kakarating lang ulit. Umupo siya sa tabi ni Ashley.

"That!" turo ni Bran sa cake.

"He's looking for you. Gusto lang pala kumain," ngiti ni Sabinna. "He really likes you."

Ngumiti lang ako pabalik sa kanya. Nagkwentuhan ulit sila just like earlier. They were talking about some memories and of course, business.

"Ako na ang kukuha, Gen," Johnny volunteered since I'm holding Bran. He took a slice of chocolate cake.

"Big boy, halika. Ako muna bubuhat sa'yo? Ate Genesis will feed you," ani Johnny. Nagpakarga naman si Bran at kumandong kay Johnny. Inayos niya ang buhok ni Bran. "You're heavy, huh. This hairstyle looks familiar, though," natatawa niyang puna.

"Bran from Game of Thrones, dude," sagot ni Oscar. Tumango naman si Sabinna.

"Oh! Right! Sorry, I stopped watching it so I couldn't remember," hagalpak ni Johnny. Kinuha ko nalang ang tinidor para mapakain na si Bran kasi hindi naman ako maka-relate.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon