Chapter 23

111 6 24
                                    

Natatakot

"Ha?"

Pakiramdam ko ay namumula ako ngayon dahil kinuwento ko kina Beca at Trinity ang nangyari sa amin ni Job may dalawang linggo na ang nakakalipas. Oo, ngayon ko palang kinuwento dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Ngayon ay hiyang-hiya ako dahil mali talaga ang ginawa ko.

Paano kung hindi ko mahal si Job? Paano kung gusto ko lang siya? Eh 'di mamimisinterpret niya along the way ang halik na iyon, hindi ba? Aasa siya. Masasaktan ko siya.

Napapapikit ako tuwing naaalala ko ang ginawa namin. Para kasing nararamdaman ko parin ang labi niya sa labi ko.

Hay, Genesis. Marupok ka na.

"Kailangan ko pa bang ulitin?" mahina kong tanong sa reaksyon nilang dalawa. Nanlalaki ang mga mata ng magpinsan at sa reaksyon nila ay para bang ang laki-laki talaga ng kasalanan ko.

"Kailan?" tanong ni Trinity. "Kagabi? Dito?"

Kumunot ang noo ko. Tinutukoy niya ata 'yong dinner namin kagabi dito sa bahay. Dito kasi siya kumain at siya pa ang nagpresinta na magluto ng hapunan. Pinag-aralan niyang lutuin ang giniling na baboy at adobong kangkong pati ang pagtimpla ng iced tea. Siya ang nagluto ng lahat ng iyon kagabi at masarap ang niluto niya.

"H-hindi!" sabi ko. "Nung ano... May sakit siya."

Parang may dumaang anghel sa harapan namin dahil biglang tumahimik ang paligid. Nakatitig lang sila sa akin. Bumuntong-hininga ako.

"Alam kong mali. H-hindi ko lang talaga siya napigilan kasi hindi ko rin alam. Parang biglang nawalan ako ng logic."

"Ang landi mo." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ni Beca. Yumuko lang ako. Para akong isang batang pinapagalitan ng mga magulang niya.

"Sorry."

Pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ko. Maya-maya'y nakarinig ako ng pagtawa. Tumingin ako sa kanila na ngayon ay humahagikhik. Nag-apir pa ang dalawa kaya kumunot lalo ang noo ko.

"We're so proud of you! Dalaga ka na! Marunong nang lumandi!" ani Trinity at humagalpak.

"Masarap?" tanong ni Beca. Uminit ang pisngi ko.

"Ano bang sinasabi niyo!"

"Ano ka ba! Masyado kang seryoso!" hagalpak lalo ni Trinity. Malaki ang ngisi ng magpinsan.

"Wala naman sigurong masama 'don, Genesis. Hindi ka naman nakipag-jugjugan, eh."

"'Yong hindi nga magjowa nakikipag-jugjugan. Ikaw nakipag-chorvahan lang naman. No harm done." 

Mas nahiya ako sa mga pinagsasasabi nila lalo na nung nagets ko ang mga terms nila.

Nanlaki ang mga mata ni Trinity. "May nangyari na ba sa inyo?"

"Wala! Ano ka ba, Trinity. Ano'ng akala mo sa akin?"

"Nagtatanong lang!" aniya. "Oh, anong prinoporblema mo?"

"P-pero mali parin, 'di ba? Kasi ano... Baka umasa? Something like that?"

Tinaasan ako ng kilay ni Trinity. "Bakit, hindi mo ba siya gusto?"

I bit my lip and tried not to be more embarrassed.

"G-gusto."

"Oh, 'yon naman pala, eh." Sumandal si Trinity at humalukipkip. Malaki parin ang ngisi niya.

"Huwag mong isipin. Kung hindi ka comfortable sa idea na nakipag-chorvahan ka kahit hindi pa kayo, eh 'di huwag niyong ulitin. Take it slow because you know, Sister Genesis. Temptation is everywhere."

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon