Chapter 9

132 7 9
                                    

Medyo mahabang update. Para sakin, medyo. Haha.

----------------------------------

Ayoko

Pagkatapos ng misa ay umuwi narin siya. Gusto niya pa sanang pumunta ulit sa bahay pero may tumawag sa kanya. Mukhang emergency dahil halos mataranta siya sa kausap niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung okay lang siya pero wala ako sa posisyon para tanungin iyon. He's still a stranger. Malaking parte parin ng pagkatao niya ang hindi ko alam. 

Ganoon rin siya sa akin. He doesn't know me.

Wala kaming bible study ngayon dahil nagkaroon kami noong nakaraang Sabado. May meeting lang kami ngayon para sa nalalapit na activities ng YOSP. Feast day ni St. Gabriel, isa sa mga patron namin. May Lenten Pilgrimage at Holy Week activities pa. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Mabuti nalang at hindi lang youth ang designated sa mga activities.

"300 pesos para sa working. 200 para sa students. 100 para sa non-working," I announced in front of them. "Next week pwede nang magbayad sa treasurer."

"Sino ba treasurer natin, Ate?" tanong ni Jepoy. Nakita kong may bumato sa kanya ng tsinelas kaya natawa kaming lahat.

"Hindi ka sasama! Hindi mo kilala ang treasurer!" irap ni Beca sa bata pero natawa lang ulit ang lahat.

"Sorry na!"

"As much as possible, a week before the Feast Day makabayad na ang lahat ng sasama. Tayo ang in-charge sa schematics kaya Full-Pledge and Aspi members, I need your cooperation."

"Aba, syempre po!" sigaw ni Trinity habang naglalaro sa cellphone niya. Napailing ako. Parang ewan talaga 'tong si Trinity.

Pinauwi ko na ang mga observers. Naiwan ang mga full-pledge at aspirants. Pagmi-meeting-an namin ang gagawin sa Feast Day.

"Schematics, schematics," reklamo ni Beca. "Nung nakaraang Feast Day, tayo rin ah?"

"Mas okay na 'yon kesa tayo ang magpa-activity. Mas masaya kaya kapag tayo ang naglalaro," side-comment ni Trinity.

Ngumiwi si Beca. "Dugyot feels kaya!"

"Ano nga ulit theme natin?" tanong ni ni Seb, isa sa mga Full-Pledge.

"COC," sagot ko. Iyon ang napag-usapan naming mga leader ng kada chapter pati ang Youth Chaplain namin. Hindi ako makarelate but since nakakarelate ang iba ay pumayag nalang ako. Besides, hindi naman ako makikisali. Sila lang.

"Edi ayun. Parang COC ang gagawin natin." Seb said.

"Hindi pwede! Ano 'yon? Irerelate natin si St. Gabriel sa characters ng COC? Giant siya? Wizard? Genern? Don't us, Seb," reklamo ni Trins.

"Eh para maiba naman. Paulit-ulit 'yong schematics natin."

"Paulit-ulit naman talaga kasi ibi-base natin kay St. Gabe 'yon."

"Eh nakakasawa na kasi!"

"Mas nakakasawa pagrereklamo mo."

"Mas nakakasawa mukha mo."

Pumikit ako at hinilot ang sentido. Nakaka-stress.

"Stop it." Tumigil silang lahat. Tinignan ko sila isa-isa at bumuntong hininga. "Girls, magsama-sama kayo. Ganon din kayo, boys. Brainstorming kayo. Tapos sa Friday, mag-meeting tayo sa bahay. Pagod nako."

"Genesis. Ang babaeng walang kapaguran: napagod," biro ng isang full-pledge member kaya natawa ang lahat."

"Napagod sila ni Job!" Humagalpak si Trinity kaya tinitigan ko siya ng masama.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon