Chapter 18

131 7 45
                                    

So?

Natapos ang Social Night na masaya ang lahat. Sobrang pagod kaming lahat pero nang kumakanta kami, parang bigla kaming lumakas lahat. Nagtatalunan at malakas pa ang pagkanta ng lahat. Napapangiti ako tuwing nakikita silang ganoon ang pagmamahal sa Panginoon.

Iba Ka talaga, Panginoon.

"Pagoda express!" sigaw ni Trinity na nakasalampak na sa kama. "Ang sakit ng katawan ko!"

"Me too," ani Lica. "Parang nags-squeeze 'yong muscles ko sa legs. So pagod."

"So conyo," side-comment ni Trinity kaya hinampas siya ni Lica. 

"So ouch!"

Napailing nalang ako sa kulitan nila. Nakisama pa si Beca na kakalabas lang ng CR. Naghampasan sila habang ako ay inaayos ang hihigaan namin ni Beca. Dalawa lang kasi ang kasya sa kama kaya nagpresinta na ako sa lapag matulog pati si Beca. May dala naman kaming sleeping materials at may prinovide din ang simbahan na mga kutson.

"Stop na us, please!" natatawang sigaw ni Lica. "Sleepy na'ko."

"Beca, dito ka na. Lights off na dapat. 11pm na," utos ko kay Beca. Sumunod naman agad si Beca.

"Ano'ng oras call time bukas?"

"7am. Breakfast," sabi ko at humikab. Inaantok na ako pero hindi pa ako nakakaligo. Pumasok na ako sa banyo at madaliang naligo. I want to freshen up so I will get a good night sleep.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakapatay na ang ilaw at tulog na sina Trinity, Lica at Beca. Pinatuyo ko nang kaunti ang buhok ko at sinuklay iyon. Napapikit ako at napahawak sa sentido nang maramdamang masakit iyon. Kanina ko pa 'to iniinda at hindi pinapansin. I need to drink medicine. Baka maudlot ang antok ko kapag sumakit pa nang sobra ang ulo ko.

"Trinity," marahang gising ko sa kanya. "May gamot ka? Masakit ulo ko."

Dumilat siya saglit at tumagilid. "Wala. Pero sa kusina meron. Sa medicine chuchu don."

Tumango lang ako hinayaan ko nalang siyang matulog ulit. Kinuha ko ang cellphone ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Patay na ang lahat ng ilaw nang lumabas ako. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at bumaba papunta sa kusina. Pagkababa ko ay bukas ang ilaw doon. Hinanap ko ang sinasabi ni Trinity. Nakita ko naman iyon agad dahil katabi lang iyon ng mga kape at Milo na binili namin. Naghanap ako ng paracetamol na maiinom. 

Nagulat ako dahil biglang nagring ang cellphone ko. Napasapo ako sa noo ko. Masyado na ata akong magugulatin!

Tinignan ko kung sino ang nagtext. Unknown number. Kumunot ang noo ko. 

Unknown Number:

Hi

Hindi ko nalang pinansin dahil baka nanghuhula lang ng number iyon at wala lang makausap. Kumuha na ako ng baso ng tubig at ininom na ang gamot. Umupo muna ako saglit at sinapo ang noo. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Paano ako makakatulog nito?

Tumunog ulit ang cellphone ko. Nagtext ulit ang unknown number. Kumunot ang noo ko.

Unknown Number:

I miss you, Genesis.

"Sino 'to?" bulong ko sa sarili ko. Siguro ay binigay na naman ni Trinity ang number ko sa mga lalaking nanghihingi. Napairap ako at binura ang mga messages ng unknown number. Maya-maya ay tumatawag na ito. Lalong sumakit ang ulo ko. Ano'ng trip nito?

"Hello?" Sinagot ko ang tawag kahit na nairita.

"Hi."

Nung una ay hindi ko makilala ang boses niya. Pero nang ulitin niya ang sinabi niya ay nangilid ang luha ko. Napangiti ako pero nanikip ang dibdib ko sa saya.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon