Chapter 28

117 7 23
                                    

Bikini


"I told you to just use our private plane."

Delayed ang flight namin. Mag-iisang oras na. I sighed. What's new with the airline industry in the Philippines?

We're on a VIP lounge in the airport, though, and we're okay. Hindi naman nagrereklamo si Nanay. Nanunuod lang siya ng tv dito sa lounge. May kasama kaming private nurse na hinire ni Dimitri galing sa isang prestiryosong ospital. Si Dimitri ay may ginagawa sa laptop niya na pihadong tungkol sa trabaho. Masaya akong nakikita ko silang magkakasama, lalo na at nandito si Nanay. Hindi ko aakalaing magiging ganito si Nanay sa kanila sa kabila ng mga ginawa nila sa amin noon.

Patuloy na nag-aaway ang kambal. Pinagtatalunan nila na dapat sana ay nandoon na kami sa pupuntahan namin kung ginamit namin ang private plane. Hindi naman kami mangingibang-bansa. Pupunta lang kami sa isang isla na panigurado daw ay makakapag-relax lahat kami.

"Come on, Fourth. It's fun to be with other people," paliwanag ni Third at sumandal sa upuan. Fourth scoffed.

"I know you. You just want to check some girls out. Ew! You're such a manwhore, Third."

"Hoy," saway ko sa kanila. Umirap lang sa kawalan si Fourth pero si Third ay tinawanan lang kami. Tinignan ko si Dimitri at napailing lang siya.

"Ate kasi! Kung private plane ang ginamit, sana nandoon na tayo! Or 'yong chopper!"

"Jesus, Fourth. Kung gusto mo, doon ka na sa private plane natin. Go contact our pilot," pang-aasar ni Third. Tumigil lang siya nang may dumaang babae sa likod ni Fourth. Napatingin kami doon. Third flashed his famous flashy smile.

"Hi, Miss," tawag niya. Nagtaas ng kilay ang babae at nag-dirty finger kay Third. Nanlaki ang mga mata ko. Maya-maya'y humagalpak kaming lahat.

Well! That's a proof that not all the girls will swoon over some guys like my brother just because he has good looks.

"What!" sigaw ni Third at uminom sa juice niya. "I can't believe it!"

"I told you. If we were in a private plane, no one will reject you."

"Because you're with your siblings," dugtong ko sa sinabi ni Fourth, natatawa parin. Simangot na simangot na ang kapatid ko. Si Dimitri ay natatawa parin at napailing.

"Hindi mo madadaan sa ganyan ang mga babae, Third," pangaral ni Dimitri at tinanggal ang salamin niya. 

"I don't like waiting, Kuya. Gusto ko paspasan," ngisi ni Third kaya napairap ako.

Lord, could you give my brother some lessons?

Nag-usap-usap parin silang kambal. Minsan ay nagtatawanan, minsan ay nagsusumbatan. Natatawa kami tuwing napipikon si Third. Kahit sagut-sagutin niya kasi si Fourth ay nagpapatalo siya sa huli. Fourth always wins the argument. That's their rule. Kaya natatahimik nalang si Third tapos ay magsisimula ng panibagong topic.

Kung hindi ko sana sila tinalikuran ay makikita ko silang ganito araw-araw. But then I will not regret choosing my mom over them. They have each other but my mom only has me. Alam kong nagalit sila pero ipinagdasal ko noon na sana ay maintindihan nila ang ginawa ko. Lalo na sina Papa at Mama.

"Natutuwa ako sa kanila," bulong ni Nanay. Napangiti ako.

"Nakita mo naman sila noon kung gaano sila kakulit, 'di ba?"

Tumango siya at bumuntong hininga. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Can you call me Mommy again? Please?"

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon