Chapter 32

100 6 18
                                    

Happy Monday! Winter has come! luuuuul

----------------

A

"She's the one that I loved before you, Genesis."

Ang sakit. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Bakit pa, Genesis? She's dead. Hindi mo kailangang makipag-kumpitensya sa patay! At ikaw na ang mahal ni Job, Genesis. Ikaw na.

Pero hindi ko parin talaga maalis sa dibdib ko ang pakiramdam na iyon. Maybe because of the fact that Job loved someone else before me. There's someone else before me. The one that I can't replace.

I might be the one with Job right now, but she's his first. And I will always be just the one next to her.

Hinalikan niya ako sa noo. Nang tignan ko ang mga mata niya ay para bang may pagsisisi doon. Naramdaman niya kayang nasaktan ako? Pero hindi dapat. Alam kong hindi dapat ako masaktan.

Hinarap ko ang urn. Tipid akong ngumiti.

"Hi, I'm Jennery," napangiti ako. It's weird that the dead knows my real name. "But they call me Genesis."

Niyakap ako ni Job mula sa likod. Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.

"Uhm, sorry. Inagaw ko sa'yo 'yong ex mo," pagbibiro ko pero parang nakaramdam ako ng asido na bumuhos sa puso ko. Hindi talaga maalis sa isip ko na siya ang nauna sa lahat...

Mas humigpit ang yakap ni Job sa akin. Napailing ako.

"Ano ba, Job. Respetuhin natin 'yong ex mo," bulong ko sa kanya at inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"She's not my ex- girlfriend," aniya. Hinarap niya ako sa kanya. Hinalikan niya ulit ako sa noo bago tignan nang mataman sa mga mata.

"What do you mean?"

He smiled bitterly.

"I loved her but she was never mine."

Kumunot ang noo ko.

"You mean she cheated? What?"

Umiling siya at ngumiti. "Minahal ko siya kahit nasa iba siya. We're friends. She's the one I'm with when I have a problem. Naging ganoon rin siya sa akin. Kaibigan niya lang ako pero minahal ko siya nang higit pa roon, kahit na alam kong may boyfriend siya."

Tinignan ko lang siya. Hinihintay kong magsalita pa siya.

"Tell me everything about her, Job. I want to know her."

Nakita kong nag-aalinlangan siya. Tipid lang akong ngumiti at hinaplos ang pisngi niya.

"Please."

"Hindi tayo nandito para magkwento ng nakaraan, Gen. We're here to finally let her go."

"But I want to know her before you let her go."

Mariin siyang pumikit at bumuntong hininga.

"What's her name?" tanong ko nang hindi parin siya nagsasalita. Nahihirapan siya, nakikita ko iyon.

"Genesis."

"Don't mind me, Job. If that's what you're thinking. Hindi ako masasaktan, Job. Or even get jealous. I'll... try not to. I just want to know the one who taught you how to love."

He sighed. There's sorrow and fear in his eyes. I smiled and kissed him on his lips. I smiled again after that.

"Go on, Job."

Tumango siya at hinila ako sa isang upuan sa tapat ng mga urn. He tucked my hair behind my ears before talking.

"I call her A. I met her at the church, just like you." Suminghap siya at tumingin sa akin. "Gen, I told you this already. Ayoko nang ulitin."

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon