Chapter 1

320 8 15
                                    

Job

Mahirap talagang maghabol ng oras!

Nagmadali ako sa paglalakad kahit na hirap na hirap na ako. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil sa suot kong skirt. Dagdag pa sa pahirap ang dala-dala kong backpack at paperbag. 15 minutes nalang at mag-a-alas sais na pero malayo pa ang lalakarin ko bago makarating ng simbahan. Wala na kasi akong perang pang-tricycle.

Uh, may pera naman talaga ako kaso ang iniisip ko, malamang ay mahihirapan silang masuklian ang nag iisang 500 pesos sa wallet ko. Na ayaw ko talagang gastusin.

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at hinabol ang hininga. Ah! Mali-late nako sa misa!

Nagring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa paper bag at sinagot. Natatarantang boses ni Trinity ang sumalubong sa akin.

"Genesis!" Sa boses palang niya ay alam ko na ang gusto niyang sabihin.

"Ano, Santatlo?" pagbibiro ko para kahit papano ay mabawasan ang pagkairita niya sa akin. Umirap ako nang bulyawan niya ako.

"Huwag mo akong ma-Santatlo at baka ilublob kita sa creek mamaya! Nasan ka na?"

"Malapit nako!" Kahit na alam ko sa sarili kong hindi pa. Ngayon ay nagsisisi nakong naging matipid pa ako.

"Concelebrated mass 'to, Gen! Hindi pwedeng isa lang ang lector ngayon! Hindi rin pwedeng maglector ang commentator! At lalong hindi pwede ang psalmist! Hinahanap ka na ni Father!"

"Alam ko! Eto na nga, oh. Naglalakad na! Kumalma ka!"

"Bakit ka kasi naglalakad! Wala bang tricycle?"

Umirap nalang ako dahil naalala ko na naman ang pagtitipid ko. "Ibababa ko na 'to, istorbo ka sa paglalakad ko."

Ramdam ko parin ang pagkainis niya. "Bilisan mo! Kapag nag-Angelus na at wala ka parin dito, ewan ko nalang!" Singhal niya at binaba ang tawag. Napatingin ako sa oras at kulang-kulang 10 minuto nalang bago ang misa.

"Lord, sorry na... Promise, next time. Hindi na ako magtitipid pagdating Sayo." Bulong ko habang hinihingal. At napabuntong hininga ako nang malakas nang masira ang paper bag na dala ko at nalaglag din ang cellphone ko. Doon ko lang din narealize na hindi pa pala nababalot 'tong pang-offer ko. Napasapo ako sa noo ko.

Palpak ka na naman, Genesis!

Pinulot ko ang mga canned goods at noodles na nalaglag. Hindi ko narin in-assemble pa ang cellphone kong nag-Transformer. Inilagay ko iyon lahat sa backpack kong halos sumabog na rin sa dami ng lamang damit dahil sa nangyaring team building. Hay! Kung hindi sana mabagal ang traffic sa EDSA, hindi sana ako malilate.

Nang matapos ko nang maisiksik sa bag ko ay binuhat ko na ito. Napangiwi ako nang mabigatan ako. Pinilit kong bilisan ang lakad kahit na nahihirapan ako. Habang naglalakad ay may mga dumaang madaming sasakyan. Parang convoy. Hindi ako tumigil sa paglalakad pero hindi ko rin inalis ang tingin ko sa mga sasakyan. Magaganda at parang 'yong iba ay mga sasakyan ng body guards? Anong meron? O baka sa mga pari 'to? Pero imposible 'yon.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad at hindi pinansin ang sunud-sunod na pagdating ng mga sasakyan. Baka mga VIPs lang.

Nakarinig ako ng busina at nakita ko kung sino iyon. Nilapitan ko siya agad at sumakay sa motor niya.

"Santiago hulog ka talaga ng langit, alam mo ba 'yon!" Humagalpak siya at tinulungan ako sa bag ko.

"Alam ko naman 'yon, Gen. Kapit ka, bilis!"

Napatili ako nang pinaharurot niya ang motor. Tawa naman siya nang tawa. Alam niya kasing hindi niya ako mapapasakay ng motor pero ngayon ay nagawa niya. Wala na rin kasi akong magagawa dahil mali-late na ako sa misa. 

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon