Chapter 5

142 7 24
                                    

Motorbike

Naghiyawan ng parang mga bata ang lahat nang matapos akong kumanta. Ako naman ay paniguradong parang kamatis ang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa ingay nila o dahil kay Job na nakatitig parin sa akin, walang pinapakitang kahit anong emosyon.

Wala siyang kibo pero matalim ang titig nya sa akin.

Pinilit kong hindi pansinin iyon. Tumayo ako at kinuha ang mga folders. I cleared my throat.

"Start na tayo."

Isa-isa ko silang binigyan ng prayer guide. Ako ang magsisimula ng dasal dahil ako ang leader. May mga nagreklamo kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Isa pa! Isa pa!" sigaw ni Trinity. Sinimangutan ko siya.

"Isa pa, papaluin na kita," banta ko pero nagtawanan lang sila.

"Sungit! Sungit! Sungit!" sigaw niya. Napailing nalang ako at binigyan siya ng folder. Mas lalo syang natawa dahil alam kong namumula ang mukha ko.

Minsan, nakakahiya talaga maging kaibigan si Trinity.

"Start na tayo. Hindi tayo pwedeng gabihin masyado. Mamaya na natin iligpit 'to," sabay turo ko sa pinag-kainan namin.

They stood up eventually and went to the first station of the cross. Naiwan ako dahil inayos ko muna 'yong mga natirang pagkain. Hindi ko masyadong pinansin si Job na nakatayo na sa tabi ko.

Kahit na hindi ko siya tignan ay alam kong nakatingin siya sa akin. Ang hilig niyang tumitig. Nakakatense.

I don't want to be rude kaya hinarap ko siya. Halos mapasinghap ako dahil para akong nalunod sa mga mata niya. His hazel eyes...

"Uhm," panimula ko at tumikhim. Napatingin ako sa hawak kong folder at ipinakita sa kanya. "Do you want to join us?"

Matagal pa niya akong tinitigan. Pilit kong iniiwas ang pagtitig sa mga mata niya pero parang magnet iyon kaya napapabalik agad ang tingin ko doon.

"N-nagmamadali ka ba? Ah, pwede ka namang sumama muna sakin? I mean sa ano, s-samin? Oo, s-samin."

Hala Gen!

I saw him smirked.

He smirked! What!

"What are we going to do?" he asked. I don't know if I saw a hint of fun in his eyes o baka sa ilaw lang yon. I bit my lip and closed my eyes, hiding my embarrassment.

As if it can hide my embarrassment right now!

Tinignan ko siya ulit at halos malusaw ako sa ngiti niya. This is my first time seeing him smiling at me. Ngayon, alam kong sa akin siya ngumingiti at hindi sa iba.

Tumikhim ako.

"M-magdadasal tayo. O-okay lang naman kahit ano, ah, kahit sumama ka lang. Iikutin lang naman natin 'yung buong parish. Saglit lang naman."

He pouted a little. It's like he's suppressing his smile again. I blushed.

Bakit parang masyado naman akong namimilit!

Magpapaliwanag pa sana ako pero nagsalita na siya.

"Okay."

Okay... Isang salita lang pero parang isang libong salita na ang binigkas niya. Napakurap ako nang tinignan niya ulit ako nang mataman sa mata.

"Sige. Ah, kukuha lang ako ng prayer guide for you. Diyan ka lang."

Tumango siya at ngumiti. I awkwardly smiled back and turned my back on him.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon