Chapter 2

174 8 8
                                    

Rodrigo

Tinignan ko lang siyang naglakad paalis karga karga ang batang tinawag niyang Bran. The child is still crying until he saw a lady. Nanay niya siguro. Kinuha niya si Bran at hinalikan sa pisngi. Nginitian niya ang lalaking kanina'y nakatingin sa akin. Mag-asawa kaya sila?

But why do I care. Siguro, nairita lang ako. Hindi man lang kasi nagpasalamat. Pero ano ang magagawa ko. Hindi naman sa lahat ng bagay na gagawin mo ay kailangang may kapalit na pasasalamat, 'di ba?

Grabe, Genesis. Ngayon ka lang nainis sa mga taong hindi nagpapasalamat sa'yo. Kumalma ka nga.

"Huy."

Nagulat ako sa tumulak sa akin at nakita ko ang nagtatakang si Trinity. Sinimangutan ko siya pero nag-peace sign lang siya. Lumingon siya sa kung saan nandoon ang lalaki.

"Sino tinitignan mo?" Maglalakad pa sana siya papunta doon pero hinila ko na siya agad.

"Tara na."

"Saglit-- Ah. Si pogi? Aray naman, Gen!" reklamo niya at pumiglas sa pagkakahila ko. Umirap nalang ako dahil bumalik ulit siya doon para mas tignan pa ang lalaking ngayon ay kausap ang asawa niya siguro.

"Ang yayaman nila, no?" aniya. "Tsaka tignan mo. Ang ganda nung babae," sabay turo doon sa babaeng karga-karga si "Bran". Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at kung bakit hanggang ngayon ay nag-uusap parin sila.

"Sabinna daw pangalan. Grabe! Pati pangalan, ang ganda!"

"Maganda naman ang Trinity, ah."

Tumingin siya sa akin, ngumisi at tinaas-taas ang dalawang kilay. "Alam ko naman 'yon, Genesis."

Napairap ako. Isa pa 'tong confident sa sarili. Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa dalawa.

"Tapos 'yong kausap niya, Job ang pangalan. Job Emmanuel ata. Can't remember."

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman 'yan?"

Nanlaki ang mga mata niya na para bang may nasabi akong masama. "Genesis! Hindi ka ba nakinig kanina?"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Hinampas niya ako sa balikat kaya napa-aray ako. "Grabe! For the first time in forever, hindi ka nakinig sa sinasabi kanina sa misa!"

I frowned. "Nakinig ako!"

"Sige nga. Ano ang gospel kanina? Ano ang announcement?"

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Hinintay niya akong magsalita. Maya-maya'y umiling siya.

"Tignan mo. Hindi ka nakinig. Hala siya, oh?"

Sinimangutan ko siya lalo. "Nakinig ako. Hindi ko lang matandaan."

"Sus. Nasa simbahan tayo. Magsinungaling ka pa."

Umirap na ako. "Fine! Pagod lang talaga ako kaya hindi ako nakapagfocus." Kahit na alam kong hindi ganoon ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-focus. Umiling nalang siya.

"For your benefit? Uulitin ko ang announcement. Magdodonate ang mga Rodrigo sa simbahan."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"

"Yip!" aniya. "Kaya mapapagawa na rin ang simbahan natin. Oha?"

"Gandang balita, Trins!" tili ko. Sa wakas! Isa sa mga pangarap ko ang tumulong sa pagpapagawa ng simbahan na 'to. Dahil sa kakulangan ng pondo, hindi na ito nari-renovate. May mga mababait pa palang mayayaman!

Napatingin ulit ako sa gawi nila. Suplado lang pala tignan iyong lalaki. Job ba ang pangalan niya? Basta. Mabait pala ang pamilya nila.

Hirap na hirap akong bumangon sa kama kinabukasan. Sobrang sakit ng katawan ko! Dahil 'to sa team building kahapon. Grabe. Nag-enjoy naman ako dahil mas nakilala ko pa ang mga co-employees ko. Ang pinagsisisihan ko lang ay dahil napagod ako at pahirapan sa pagpasok sa trabaho.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon