Chapter 16

144 7 22
                                    

Strength

"Isa-isang fafa lang kasi, Genesis. Huwag sugapa."

Kinurot ko si Trinity kaya napatawa siya. Tinignan ko sila ni Beca nang masama. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang napag-usapan namin ni Johnny noong gabi ng party at ni Job sa party at kanina sa sasakyan. Naguguluhan kasi ako kung ano ba ang pakiramdam ng may gusto ka na sa isang tao. Nakakainis lang dahil imbis na tulungan nila ako ay inaasar pa ako.

"Minsan nagsisisi ako kung bakit ko kayo naging kaibigan," inis kong sabi sa kanila. Nag-peace sign lang si Trinity at mas tumawa pa si Beca. Kakatapos lang ng Give Back program namin kaya pinagpahinga muna ang lahat. Nandito kami ngayon sa living room, nakaupo. Maya-maya ay magkakaroon na ng laro para sa lahat. Hindi naman kami ang in-charge kaya nakakapagpahinga kami.

"Ganito nalang, Genesis," singit ni Beca. Sinawsaw niya ang mangga sa bagoong na kinakain namin ngayon. Ipinakita niya iyon sa akin. Nagtaka ako.

"Imagine mo 'to. Kunwari, mawawala na ang sangkatauhan. Tatlo kayong na-trap sa isla at ito nalang ang natitirang pagkain sa mundo," natatawa niyang sabi. Napahagalpak narin si Trinity kahit hindi pa tapos magsalita ang pinsan niya.

"Oh, tapos?"

"Kanino mo ibibigay 'to?" ngisi niya. Inirapan ko siya.

"Seryoso kasi, Beca."

"Seryoso naman ako!" aniya at humagalpak. Kinain naman ni Trinity ang mangga na hawak-hawak ni Beca.

"Sagutin mo, Gen!" asik ni Trinity pero natatawa. Bumuntong-hininga ako. Kanino ko nga ba ibibigay?

"Kay Johnny o kay Job?" tanong ni Beca at ngumisi. "Bawal hatiin ha!" Dagdag pa niya. Sinimangutan ko sila. Napaisip ako.

"Kay..." I trailed off. Hindi ko alam! Parehas ko silang kaibigan kaya dapat parehas ko silang bigyan? Pero bawal hatiin. Simple lang ang example niya pero parang ang hirap sagutin?

"Bakit bawal hatiin?" Inis kong tanong.

"Siyempre isa lang ang dapat na magustuhan mo!" Ani Trinity.

"Nahihirapan siya. Yiieh~" asar ni Beca. "Ganda kasi, eh. Pak, genern!"

"Hindi ko alam," I sighed in defeat. "Pwedeng ibang example?"

"Gen, kahit ibahin namin ang example, parehas lang naman ang magiging tanong eh: Sino ang pipiliin mo?"

"Mahal ko, o mahal ako~" kanta ni Trinity at tumawa ulit. Napasapo ako sa noo ko. Walang patutunguhan itong usapan namin.

"Ewan ko sa inyo."

"Oh, ganito nalang!" Suhestyon ni Trinity. Kumuha muna ako ng mangga at isinawsaw iyon sa bagoong. Nakakagutom namang isipin ang ganitong bagay.

"Nahawakan mo na ba ang--"

"Oy, nasa kumbento tayo!"

"Luh? Ang lumot mo!" irap ni Trinity kaya nag peace sign si Beca. Napailing ako. "Nahawakan mo na ba ang mga kamay ng mga fafable mo?"

Nginuya ko ang mangga bago magsalita. "Oo."

Tumango si Trinity. "Nang hawakan mo ang kamay ni Johnny, ano'ng naramdaman mo?"

"Wala," sagot ko agad.

"Eh kay Job?"

Binuka ko ang bibig ko pero wala akong maisagot. Hindi ako nakasagot kasi bigla kong naalala 'yong paghawak niya sa kamay ko. Iyong haplos niya sa pisngi ko. Iyong mga titig niya. Iyong boses niya. Iyong labi niya.

"Uy, namumula!" puna ni Beca. "Positive!"

"May something no?" tanong ni Trinity at nakangisi. Kinagat ko ang labi ko.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon